[49] Konti na lang

286 5 0
                                    

[49] Konti na lang

Inaalay ko sa: panahong natitira para sa amin sa loob ng paaralan... Konti na lang makakatapos na kami ng pag-aaral. (Sana...) Ito ang binungad sa akin ng love month. <3

Inabot din ng isang buwan bago ko napag-isip-isip

na konti na lang ay babalik na rin sa dati ang oras ng pag-idlip.

Hindi ko na kailangang gumawa ng mga assignments sa tahanan

at higit sa lahat, oras na para lisanin na ng tuluyan ang paaralan.

Ang mga bagsak na subjects na kinakailangang balikan

ay sinong nakaaalam, pasasaan ba't maipapasa rin 'yan.

Pati na ang mga requirements na kailangang i-submit sa teacher

ay dapat ng asikasuhin nang makatambay ng matagal sa bleacher.

May mga exams pang kailangan ding pagtuunan ng pansin

upang sa hinaharap ay hindi na mag-iwan pa ng mga isipin.

Saka naman magpapapirma ng clearance sa opisina

ng adviser kasama ang mga malokong mga kaeskuwela...

Hindi kailanman isang sukatan ang nakuhang marka

sa mga quizzes at exams na bunga ng pandaraya

para masabing naging isang mabuting mag-aaral ang isang tao

dahil sa simpleng pagtukoy sa tama o mali, siya pa ay nalilito.

Ilang araw na lang ba bubunuin?

Ilang buwan na lang ba ang bibilangin?

Teka, mag-e-extend ka pa ba ng isa pang taon?

Ayos lang 'yan, ang mahalaga'y naliwanagan ka na ngayon.

February 1, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now