[33] Mga Dakilang Manunulat

348 5 5
                                    

[33] Mga Dakilang Manunulat

Inaalay ko sa mga: dakilang manunulat ng ating bansa. Kinikilig ako dahil sa kanila. Hihi. :)

Marami ang mga kahanga-hangang tao

na sa pagsusulat ay may kanya-kanyang istilo.

Kanilang mga sinasabi ay nakaaaliw mabasa

at sa mga paksa nila'y matututo kang talaga.

Bihirang dumating ang mga pagkakataon

na sa mga salita nila ay mayroong kailangang itapon

dahil sa larangang ito sila'y mga pantas

at mga akda naman nila'y hindi aksaya sa oras.

Ang kanilang mga isinulat na tungkol sa reyalidad

ay maituturing na gawang dekalidad.

Hindi sayang sa oras kung babasahin

at kung gugustuhin ay maaari pang ulit-ulitin.

Saludo ako sa mga dakilang manunulat

na isang sandata ang kanilang mga panulat

at ang nais lang ay makapagparating ng mensahe sa masa

na siyang makikita at madarama sa pamamagitan ng pagbabasa.

Ngunit may isang malagim na katotohanan...

Ngayon kasi ay unti-unti nang namamatay ang panitikan.

Sino ba ang handang magpatuloy ng kanilang mga ginawa

para hindi matuluyan ang biglaan nitong pagkawala?

December 5, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now