[23] Madilim na Kahapon

398 5 3
                                    

[23] Madilim na Kahapon

Inaalay ko sa: isang madilim na kahapon nating mga Pilipino. Naniniwala akong may pag-asa pa.

Taon din ang binilang ng iyong pagkakaalipin

sa kamay ng mga kaaway ngunit ngayon ay parang ganoon pa rin.

Sa lupain mo'y hindi na mga kaaway ang nananahan

kundi ang walang kamatayang kahirapan.

Habang buhay ka na lamang bang magiging alipin?

Ilang dekada pa ba ang daraan at iyong hihintayin?

Sinu-sino pa ba ang mga taong pagbubuntunan mo ng sisi?

Hindi ba't ang pagbabago'y dapat na magsimula sa sarili?

Sabi nila'y dapat lahat tayo'y magkaisa

para sa ikabubuti ng lahat at ng minamahal na bansa.

Ngunit kabi-kabilang paninira sa kapwa na may halong pagsisisihan

at mga protestang halos araw-araw naman ang iyong masasaksihan.

Sapat na dahilan na ba ang pag-ungkat ng mga nangyari sa nakaraan

para magtanim ka ng sama ng loob sa iyong lupang sinilangan?

Kung hindi ka magtitiwala sa kakayahan ng iyong sariling bansa,

sa mga karatig bansa ka ba dapat kumuha ng lakas at pag-asa?

Hindi pa tapos ang laban hangga't sumisikat pa ang araw.

May pag-asa pa ang Pilipinas at may tiwala ako sa aking pananaw.

'Di magtatagal, ang lahat ay malilimutan din sa paglipas ng panahon,

kasama ng mga alaala tungkol sa ating madilim na kahapon.

November 22, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now