[30] Noon at Ngayon

483 11 2
                                    

[30] Noon at Ngayon

Inaalay ko sa: gusto palagi na karne ang ulam at sa hindi na makatulong kahit sa paghahain sa hapag. Ay, mali. Sa mga pangyayari noon at ngayon pala. :D

Noon, masaya na ang isang bata sa limang pisong baon

ngunit ang limang daang piso sa iba ay barya na lang ngayon.

Noon ay magaan pa ang pamumuhay dahil mura pa ang mga bilihin

ngunit ngayon ay para na itong mga ginto kung ituring.

Noon, ang buong araw ay masaya at kumpleto na

basta't kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Ngunit ngayo'y produkto na ng teknolohiya ang laging kaharap

at ang makilala ng lahat na ang minimithing pangarap.

Noon, walang lugar sa mundo ang mga maaarte

dahil ang lahat ay kuntento na sa buhay na simple.

Ngunit ngayon sa mga luho ay takam na takam

at ang gusto palagi ay karne ang ulam.

Noon ay masaya na ang buong araw dahil sa mga laruan

at busog pa sa mga kuwentuhan at tawanan.

Ngunit ngayo'y halos hindi na makatulong sa paghahain sa hapag

dahil puro text, chat, tweet, post, at laro ang inaatupag.

Sino nga ba ang maglalakas-loob na tumanggi

kung halos lahat naman ay ito ang mga sinasabi:

"Naaalala mo pa ba ang mga ginagawa natin noon?"

"'Di ba't mas masaya tayo noon kaysa ngayon?"

December 2, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant