Chapter 1 - The Call

2.9K 104 17
                                    

(Author's PoV)

Abala ang lahat sa pool area ng hotel sa pagha-handa para sa magaganap na ball. Ilan sa mga nag-aasikaso ay sina Merly, ang event organiser, 30 taong gulang, maikli ang buhok na blonde. Hindi siya katangkaran at may suot na salamin. Siya ay kilalang strikto at perfectionist. Nandoon din ang ilan sa mga tauhan niya na si Edward, 32 yrs. old, matangkad, payat, in-charge sa pag-aayos sa table. Naroon din si Darla, 22 yrs old, pinsan ni Merly. Nakatali ang kaniyang buhok, maputi at medyo mataba. Siya ang nag-aasikaso sa stage design.

Chineck ni Merly sa kaniyang relo ang oras. 11:30 na. Napatingin siya sa paligid at marami pa'ng kailangang tapusin.

"Bilisan niyo. Ang bagal-bagal!" pa-sigaw niyang sambit sa kaniyang mga kasama.

Mas binilisan ng mga crew ang kanilang ginagawa. Ganoon din si Edward. Si Darla naman, palihim niyang tinignan ng matalim na tingin ang kaniyang pinsan saka ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

______

"Gusto kong i-double check ang lahat para sa magaganap na ball. Make it secured."

Nasa kaniyang office si Richard Tan, ang presidente ng Hotel Park, 35 taong gulang. Matipuno. Kasalukuyan niyang inuutusan ang kaniyang Executive Assistant na si Claire dela Cruz.

"Yes po sir!"

Aalis na sana si Claire nang biglang magpahabol si Richard.

"And one more thing, paki-follow up ang invitation kung pupunta ang inimbita nating detectives."

"Opo sir!" sagot ni Claire ngunit sa loob-loob niya, siya ay nagtataka kung bakit this time, gustong-gusto ng presidente na maka-attend ang mga detectives.

Pagka-alis na pagka-alis ni Claire, biglang tumunog ang telepono ni President.

"Hello!"

"Hello President!" sambit ng isang boses na pag-aari ng isang lalaki. Napatingin sa telepono si President nang marinig niya ang nakakaasar na boses sa telepono. Mayamaya pa ay alam na niya kung sino ito.

"Wala akong panahon sa 'yo! Mga importante lang ang pinag-aaksayahan ko ng panahon!"

Ibababa na dapat ni President ang telepono nang magsalita ulit ang nasa kabilang linya.

"Aba, talagang tumatapang ka ngayon! Anyway, napatawag lang naman ako para i-goodluck ang party niyo! Enjoy. Congratulations din pala!"

Hindi umimik si President! Alam niyang may kakaiba sa mga sinasabi ng nasa kabilang linya kaya naisip niyang sakyan ito.

"Mabuti naman at natuto ka nang magsabi ng mga positibong salita. 'Wag kang mawawala sa ball mamaya. See you there!"

Ngumiti ng nakakaloko si Richard para asarin ang kausap niya saka niya ibinaba ang telepono.

Ang nasa kabilang linya ay si Rodriguez Salvador. Siya ang dating president ng Hotel pero tinanggal siya 5 yrs ago no'ng makita nilang hindi niya naaasikasong mabuti ang hotel. Hindi niya matanggap kaya nagtayo na lamang siya ng sarili niyang negosyo pero hanggang ngayon, ibinubunton niya ang galit niya kay Richard na kasalukuyang presidente ng hotel ngayon.

__________

Patuloy pa rin sa pag-aayos sa venue ang team ni Merly kahit pagod na pagod na sila.

"Kumain na kaya muna tayo!" pagre-reklamo ni Darla.

"Hindi pwede. Marami pa tayong aayusin!!!" pa-galit na sagot ni Merly.

"Eh, pwede naman nating ituloy mamaya."

"Mas okay kung tatapusin na muna!" pagpupumilit ni Merly.

"Pero gutom na kami!" sagot ni Darla.

"Eh, di kumain ka mag-isa mo!"

Dahil sa sinabi ni Merly, nainis si Darla kaya matapang siyang sumagot.

"Talagang kakain ako mag-isa ko!!!"

Umalis siya at iniwan ang mga kasama niya. Napatingin lahat ng crew sa mag-pinsan. Mayamaya pa ay nagsalita si Edward.

"Tutal mabait naman ang president ng hotel hindi tulad ng dating presidente rito, siguradong maiintindihan niya kung kakain muna tayo."

Hindi naman nakaimik si Merly. Pagkatapos ay sumunod na umalis si Edward.

______

Nasa kaniyang opisina si Rodriguez Salvador o kilalang Sir Rod. May tina-type siya sa kaniyang computer nang biglang may kumatok.

Pumasok ang kaniyang business partner na si Warren may dalang maliit na box.

"Package para sa'yo."

"Package?" takang-takang tanong ni Rodriguez.

"Kanino daw galing?" tanong ni Rodriguez.

"Hmmm, ewan! Walang pangalan pero naka-address sayo!"

Takang-taka pa rin si Rod pero sa huli tinanggap din niya ito.

"Pakilagay na lang diyan, salamat!"

Pagkatapos ay lumabas si Warren!

Samantala, pinagmasdan lang ni Rod ang package at nag-iisip kung ano 'yun!

Pagkatapos ng ilang minuto, napagdesisyunan niyang buksan ito para makita kung ano ang laman.

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon