Chapter 1 - Irish's Mood

1.5K 49 2
                                    

(Irish' s PoV)

Lalala....

La...

Lalalala..

Habang naliligo hanggang sa paghahanda ng sarili para sa pagpasok sa school, hindi ko mapigilan ang mapakanta.

Humarap ako sa salamin. Inayos ko ang aking buhok.

Ano kaya'ng mas bagay sakin? Yung nakalugay o yung nakaipit?

Hinagod ko ang aking buhok saka ngumiti sa harap ng salamin!

Di ko lang talaga mapigilang ngumiti. After the last time..

Di ko talaga maikakaila ngayon ang aking tuwa. Hindi ko rin kayang pigilan.

Nang makapag-ayos, kinuha ko ang aking bag at nagtungo sa kusina kung saan naroroon si Lolo.

Lalala..

La..

Lalalala...

Hindi ko talaga mapigilan ang aking sariling mapaawit.

"Good morning Lo!", masaya kong bati sa kaniya.

Aminado naman akong todo ang aking ngiti sa pagbati sa kaniya.

Tinignan niya ako na tila ba siya'y naninibago

"Good morning. Ang ganda ng ngiti mo apo ah!"

Medyo natigilan ako.

At napagdesisyunan kong wag na lang pansinin ang kaniyang sinabi.

"Sige po Lo! Papasok na ako!"

"T-teka sandali..hindi ka pa yata nag-almusal ah!" protesta ni Lolo

"Ah...kakain na lang po ako sa school!"

"Sigurado ka?", pagdududa ni Lolo

"Opo! Promise!", kampante kong sagot

Tinignan niya ako ng matagal. Tila ba pinag-aaralan akong mabuti.

Napabuntong hininga siya!

"Oh siya! May tiwala ako!"

Nagmano ako sa kaniya saka ako umalis.

Paglabas ko ng gate, napalingon ako sa bahay nina Spence.

Pumasok na kaya siya? Tanong ko sa aking sarili.

Maya-maya pa ay naglakad na ako papuntang school. Pumasok na siguro siya.

Ang gaan lang talaga ng pakiramdam ko. Feeling ko lahat ng tao sa paligid ko, kasundo ko.

Dumiretso ako sa canteen para kumain.

Siyempre, masaya na naman ako while eating my favorite pizza.

Maya-maya pa, biglang umupo sa harap ko si Jamie.

"Ang aga aga pizza agad!"

Nakangiti lang ako habang ini-enjoy ang pagkain

"Sus..if I know, masaya ka hindi dahil sa pizza kundi dahil sa you know...last convo with Spence."

Kabisadong kabisado talaga ako ni Jamie. Pero nakakahiya naman kung masyado kong ipapahalata.

"Grabe ka naman! Napaka-judgmental."

"Ok! It's up to you kung ayaw mong umamin!"

Hindi  ako sumagot.

"Hi Spence!" Bati ni Jamie kay Spence habang nakatingin siya sa may bandang likuran ko.

Lumakas ang tibok ng puso ako. Kinabahan ako pero at the same time, na-excite ako. Agad kong nilingon si Spence.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now