Chapter 9 - Behind the Scene

1.5K 58 6
                                    

(Spence's PoV)

Alam ko na kung bakit tumatawag 'to.

"Hello Spence!", sambit ni Jamie

"Jamie!", sagot ko

Nagtungo ako sa terrace ng kwarto ko habang tanaw ang bahay nina Irish!

"So..kumusta ang stargazing?", tanong niya

Napabuntong-hininga ako!

"Walang naganap na stargazing!", dismayado kong sagot

"Alam ko!"

Napakunot ako ng kilay sa sinabi niya.

"Alam mo naman pala eh!"

"Oo! Sabi ni Irish, hinatid mo agad siya pauwi after niyong mag-dinner. Hiyang-hiya nga ako sa kaniya eh."

"At bakit naman?"

"Alam mo ang manhid mo talaga! Hindi mo ba naisip yung feelings niya ha? Pinaasa mo kaya siya!"

Medyo nalito ako sa sinabi niya.

"Ano'ng......pinaasa?", hindi sigurado kong tanong

"Hoy Spencer Quijano wag ka ngang pa-inosente diyan! Alam naman nating pareho na may inihanda kang surprise para sa kaniya. Stargazing to be specific tapos hindi mo tinuloy. Ano'ng tawag dun? Eh di paasa. Pinaasa mo siyang mag-s-stargazing kayo tapos hindi rin pala!"

Yan na naman ang palaban na boses ni Jamie.

Honestly, hindi ko siya gets!

"Ano'ng pinaasa! Ui..just to make things clear, wala akong sinabi sa kaniyang mag-s-stargazing kami. So I don't see any reason for her to anticipate"  Depensa ko..

"...unless may sinabi ka!", pagpapatuloy ko

Napansin kong natahimik siya..ngunit pinilit niyang depensahan ang sarili niya..

"A-ako? W-wala din kaya akong sinabi!"

"So wag mong sasabihin na pinaasa ko siya regarding that matter!"

"O-oo na!"

Hindi ako sumagot. Hinintay ko lang kung may sasabihin pa siya!

"Uhmmm.."

"Ano?", tanong ko

"Bakit ba kasi hindi mo tinuloy? Siyempre may karapatan akong malaman kung bakit dahil ako yung kumilos para maihanda yun!"

"Alam kong karapatan mong malaman! Masyado kang defensive!", biro ko

And after that, hindi ko mapigilan ang magseryoso at maging maingat sa mga sasabihin ko. Gusto ko kasing lahat ng sasabihin ko eksakto!

Napabuntong hininga ako.

"The day I asked you a favor regarding this at pumayag ka, I was so thankful! I was always excited for that night to finally arrive. I was the happiest man on earth that day when I was with her alone. Habang papalapit ang gabi where stargazing was set, I was really excited na kinakabahan! It was supposed to be a surprise but when I check the weather on my phone nung papunta na sana kami, it turned out na cloudy and there was a huge chance of rain in that area."

"So???"

"So I decided to bring her home since I don't want her to be disappointed!"

"Disappointed???", pagtataka niya

"Ang slow mo talaga!"

"Slow ka diya---"

"Siyempre if I told her about that stargazing which for sure she wants so much tapos biglang umulan, eh di malulungkot siya kasi hindi natuloy. Unlike kapag diretsong uwi na na wala siyang alam  regarding that stargazing, eh di seems normal lahat! Alam mo naman siguro yung pakiramdam kapag gusto mong gawin yung isang bagay tapos hindi natuloy."

"As if hindi siya na-dismaya sa ginawa mong pag-uwi sa kaniya agad!"

"Alam mo Jamie, konting-konti na lang talaga, maniniwala na akong kinwento mo ang lahat sa kaniya!"

"Grabe ka naman! Eh ikaw? Hindi ka ba nalungkot na hindi natuloy?"

"Sino ba namang normal na tao ang hindi malulungkot pag hindi natuloy yung special stargazing date nila ng taong sobrang special sa kaniya?"

"Ayiieeeeh...ang cheezy mo!", halatang kinikilig si Jamie

Pero to be honest, my heart is beating fast na parang sasabog ang puso ko.

"Oh siya..naikwento ko na lahat sa'yo. Siguro naman valid ang dahilan ko!"

"Honestly, ang swerte ni Irish sayo!", pa-sweet na boses ni Jamie

"Talaga?"

..

..

..

At hindi ko namamalayan, nakangiti na pala ako

"Oo ba't di mo ligawan?"

"I don't think it's the right time!"

"So you mean it's not yet the right time? Eh ano'ng ibig sabihin ng pagyayaya mo sa kaniyang lumabas?"

"Don't get me wrong! Lahat ng yun ay outside the bounds of romance. Gusto ko lang siyang makasama at pasalamatan as a friend. Hindi dahil sa gusto ko siyang ligawan."

"Pakipot!"

"Nagpapakatotoo lang!"

"So kelan yung right time? Kelan mo balak ligawan?"

Napaisip ako saglit kung dapat ko bang sabihin 'to. Pero hindi ko na napigilan eh!

"Kapag...kapag nakausap ko ang Lolo niya about this matter at pinayagan ako. Mataas ang respeto ko kay Irish. As part of respect, I want a legal relationship with her one day so I'll make sure na may basbas ng Lolo niya pag naging kami"

"May sweet bones ka naman pala eh!"

"Jamie, secret lang natin 'to ah! Alam kong kaibigan mo si Irish pero please, patunayan mong kahit papano eh kaya kitang pagkatiwalaan!"

"Okay Spence! Bye."

(Irish's PoV)

Yung habang pinapakinggan ko yung convo nila, para akong nasa Cloud-9.

Yung feeling na halos himatayin na ako sa sobrang tuwa!

Yung feeling na parang tatagos na tong puso ko sa dibdib ko!

Yung feeling na kinakabahan ako at di ko ma-explain ang nararamdaman ko!

Yung feeling na tila napakaraming paru-paro sa stomach ko!

Yung feeling na ang saya ko lang talaga!

"Everything's clear!", sambit ni Jamie

Pero yung feeling na hindi mo pwedeng ipahalata dahil ayaw mong mabuko ka!

"Lagot ka! Sabi secret niyo lang!", sambit ko na pinipigilan ang kilig ko

"'Nu ka ba! Siyempre sa'yo ako loyal! Secret na lang nating tatlo!"

"Walang problema!", mabilis kong sagot nang nakangiti

"Di ka pa nag-thank you sakin!"

"Para saan?"

"Dahil sakin, clear na sa'yo. Ang goal nga natin eh alamin lang kung bakit hindi natuloy yung stargazing pero tignan mo naman, sobra pa dun ang na-discover natin!"

"Eh di thank you!"

"Pero ang swerte mo friend! Ibang level ang respeto niya sa'yo. Sana ganun lahat ng guy!"

Nginitian ko lang siya!

Status: WILLING TO WAIT!


(Vote lang ng vote.

Feel free to write your comments!

So..ano'ng say niyo?

Abangan niyo rin ang bagong kasong iso-solve ni Spence! )

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon