Mystery Case #9 - Catching the bailed

986 35 4
                                    

Prologue:

(Spence's PoV)

Agad akong pumara ng taxi paglabas ko ng school at dumiretso sa presinto na binanggit ni Papa.

Matapos ang ilang minuto, nakarating ako sa presinto. Agad kong napansin ang sasakyan ni Papa sa harap, naka-park! Agad akong pumasok habang naka-ayos na sa aking isipan ang mga sasabihin ko.

"ANO???? HINDI MAAARI! HINDI 'TO PWEDE. BAKIT NIYO HINAYAANG MAKA-PIYANSA SILA?"

Isang galit na galit na boses ang bumungad pagpasok ko sa presinto. Andun na si Papa nakaupo pero tila hindi pa nagsisimula yung interrogation sa kaniya dahil sa hyper na inspector. Ang Lolo ni Irish.

"Inspector, bailable po kasi yung case!", sagot ng isang pulis.

Pinapanood ko lang ang mga nagaganap. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang maka-react si inspector. I mean, matagal na siyang inspector so for sure hindi lang ito yung first time na may nagpiyansa.

"Inspector, kalmahin mo ang sarili mo. Hindi makakabuti yan!", sabat ni Papa kay inspector.

Sakto ding napatingin si Inspector sakin.

Kumalma siya. Pero hindi ako sigurado kung dahil sa sinabi ni Papa o dahil nakita niya ako.

Anyway, I erased the thought. At nilapitan ko si Papa.

"Bakit ka nga ba ulit nandito detective Benj?", bigla niyang tanong.

"Dahil dito!", sagot ni Papa.

Ipinakita niya yung notice na natanggap niya.

"Ah oo nga!", biglang na-realise din ni Inspector.

At sa pag-aalala ko at kagustuhang malinawan na ang lahat. Agad akong sumabat.

"Inspector. Wala po talagang kasalanan si Papa. Ako po. Ako po ang dahilan ng lah-----"

"Pagpasensyahan mo na si Spence inspector, nag-aalala lang siya sakin kaya bigla siyang sumasabat!"

Napalingon ako kay Papa. Bukod sa dahil hindi na naman niya ako pinatapos magsalita, parang binabalewala niya yung effort kong ipagtanggol siya.

"Alam mo Detective Benj, alam mo namang hindi kita kayang husgahan. Sa tagal ba naman nating magkakilala, malaki ang tiwala ko sa'yo. And I commend you for saving the life of the Beckendorf kids. Ngunit gaya mo, kailangan ko rin sumunod sa protocol. Utos ng nakakataas eh.", paliwanang ni inspector.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na sumabat.

"Protocol? Sino pong nakakataas inspector? Mawalang galang na po. Sa pagkakatanda ko kasi, protocol yan ng isang pinaka-malaking businessman sa ibang bansa. Bakit biglang isang outsider ang pakikinggan sa bagay na yan?"

Hindi kasi talaga tama eh! Hindi ko matatanggap na mawawalan ng lisensya si Papa dahil lang sa utos ng isang banyaga. Kung utos sana yan ng presidente ng Pilipinas, tatanggapin ko pa eh!

"Gaya ng sinabi mo, galing 'to sa pinaka-malaking businessman sa ibang bansa. May laban pa ba tayo? Nakalimutan mo na ba Spence na nabubuhay tayo sa mundo kung saan hawak sa leeg ng mayayaman ang mga nasa baba?"

"Mawalang galang na po ulit. Diyan eh! Diyan tayo nagkaka-problema. Hinahayaan natin ang mga nasa taas na hawakan tayo kahit hindi naman dapat. Kung ganoon, totoo nga na kaya nananaig ang mga bagay na masama dahil sa pananahimik ng mabuti"

Alam kong hindi nagustuhan ni inspector ang sinabi ko. Napakunot noo siya.

"Bakit Spence, kelan mo ba masasabing tama ang tama at mali ang mali?"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now