Chapter 9 - Rattled

1.1K 49 6
                                    

(Irish's PoV)

Sinamahan ko muna saglit si Ms. Suzanne. 1st period lang ng hapon ang paalam ko sa teacher kaya kinailangan kong magpaalam agad kay Suzanne.

Hinatid din ako ni Jonas sa school.

Tahimik siya this time. Unlike dati na may mga corny jokes siya. Nakakapagtaka lang pero ok lang din.

Nakatanaw ako sa paligid habang napapaisip sa mga sinabi ni Suzanne kanina.

Una, natutuwa talaga ako dahil I'm a sister to her.

Pero hindi yun yung pinaka-iniisip ko.

Yung text message.

You're next after your brother!

Napatakip ako ng bibig nang muling sumagi yun sa isip ko.

Kung sinasabi sa text message na si Miss Suzanne na ang susunod, maaaring naisagawa na nila ang plano nila sa pagdukot kay Marcus.

Ganun naman kasi yun kadalasan.

Sinusunod ang isa kapag tapos na ang nauna!

W-wag naman sanang mangyari tong iniisip ko.

Sana...sana...hindi siya pina---hindi!
Pinilit kong alisin ito sa aking isip. Hindi! Mali 'tong iniisip ko.

Ngunit hindi napigilan ng sarili ko ang matakot para kay Marcus.

Tila umakyat sa aking ulo ang lahat ng dugo ko.

Napalunok ako at nanginig!

Pinilit kong itago ito ngunit nanginginig ako na tila natataranta.

Halos mapatayo ako sa aking upuan nang hawakan ni Jonas ang aking balikat

"Ba't parang...nasisindak ka?", tanong ni Jonas

"Ha?", tanong ko lang.

"Andito na tayo sa school niyo!"

Agad akong lumabas nang makita ko ang school.

Agad akong bumaba. Hindi na ako nakapagpaalam.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang hindi mawala sa isip ko na baka kung ano na ang ginawa kay Marcus.

Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking katawan.

Nagkamali na rin ako ng building na pinuntahan. Sa kabila pala yun!

At muli akong naglakad habang paulit-ulit na umiikot sa isip ko na tuluyan nang napahamak si Marcus.

At idagdag pa diyan na isusunod si Suzanne.

Ganito pala....ganito pala'ng pakiramdam pag alam mong may mapapahamak pero wala kang magawa.

Nakaka-guilty, nakakainis, nakakakaiyak.

(Spence's PoV)

Naka-PE uniform na kaming magkaka-klase at handa nang magtungo sa gym nang maalala ko eh, nakalimutan ko pala yung raketa ko sa classroom. Badminton kasi ngayon ang PE namin.

Ano ba yan! Ba't ko pa kasi nakalimutan. Ang layo pa man din ng gym sa classroom.

(Irish's PoV)

Walang tao sa classroom. Pumasok ako at umupo. Huminga ako ng malalim para irelease ang worries ko.

Tuwing naiisip kong alam kong nasa panganib sina Marcus at Suzanne ngunit wala akong magawa, na-gi-guilty ako at naiinis ako sa sarili ko. Feeling ko ang hina-hina ko.

At....tuluyan na ngang nabuo ang mga luha sa aking mga mata.

Muli akong huminga ng malalim para pigilin ang aking pagluha.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now