Chapter 9 - Ghost?

2.3K 87 2
                                    

(Spence's PoV)

Andito na ako ngayon sa clinic. Medyo madilim na sa labas. Nang pumasok ako, nagpaalam na rin sina Jamie at Jimson kasi may lakad daw sila.

Ilang minuto nung magpaalam sina Jamie, nagising na rin si Irish.

Ang expectation ko, pagmulat niya, matutuwa siya agad o yayakapin niya ako o sasabihin niyang na-miss niya ako kaso hindi eh. Nung una maamo pa naman ang mukha niya. Pero nung makita niya ako, agad siyang natalimbangon. Parang magic...naka-tayo siya agad!

"Oh? Magpahinga ka muna!"

Hindi niya ako pinansin at nung makita niya 'yung bag niya, kinuha na niya ito at agad siyang nagpaalam sa nurse para umalis at agad ko siyang sinundan...bakit ganun? Mukha siyang takot sa 'kin?

"Irish!", tawag ko sa kaniya..

Kaso hindi niya ako pinapansin na para bang wala siyang naririnig! Ang labo talaga niya...

(Irish's PoV)

"Irish!", tawag niya ulit sakin

Wala kang naririnig Irish! Hindi siya totoo. Wag mo siyang pansinin. Multo yan, multo!

Binilisan ko na lang ang paglalakad at sinubukan kong mag-humming para mawala siya sa isip ko at hindi rin ako matakot. Nakakatakot pa lang maging multo si Spence!

"IRISH!"

"WAAAAAAHHHH!"

Bigla siyang sumulpot sa harap ko habang binabanggit ang aking pangalan kaya ako napa-sigaw at ang matindi, napa-upo pa ako..

"Nagulat ba kita? sorry!", sambit niya habang aalayan dapat niya ako sa pagtayo kaso pingilan ko siya

"Lumayo ka sakin! In Jesus' name!", pagre-rebuke ko sa kaniya!

"Ano'ng ginagawa mo? Ba't mo ako nire-rebuke?"

"Lumayo ka sa 'kin espiritu ni Spence!"

"Huh!?", takang-taka niya...pagkatapos ay bigla na lang siyang natawa nang malakas

"Ano'ng nakakatawa?" Tanong ko sa kaniya habang tumatayo

"Ako? Multo?", tanong niya habang tumatawa pa rin

"O-oo...d-diba patay ka na?"

"So you really think I'm a ghost?"

Agad niyang hinawakan ang aking kamay dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako makapalag

Inilagay niya ito sa mukha niya...na napakalambot. Napalunok na lang ako..

"Now tell me...am I a ghost?"

Hindi ko siya sinagot....ang totoo niyan...hindi ko narinig yung tanong niya...nadala ako sa puso ko eh..

"Irish? Are you there?"

At bigla akong bumalik sa malay

"H-huh? A-anong tanong mo?", sabay alis ko sa pagkakahawak ko sa mukha niya

"So ghost ba ako?"

"Oo na! Naniniwala na ako.....so buhay ka?"

Hindi pa rin ako makapaniwala pero sa loob loob ko...masayang-masayang-masaya talaga ako.

(Spence's PoV)

"Oo nga! 'Yung biktima dun...imitator ko napagkamalan lang na ako!"

Kwinento ko sa kaniya 'yung tungkol sa kaso at nalinawan siya

"Ganun pala yun!", kumbinsido niyang sagot...kaso biglang nagshift na naman ang reaction niya into 'naiinis'..

"So buhay ka pala? So san ka nagpunta? Wala ka man lang pa-sabi!", sabay roll ng kaniyang eyes

"Ah....eh....", sabay hawak ko sa aking batok

"Ano? Sumagot ka? Alalang-alala kami sayo....yung iba nagluluksa dahil ang alam namin patay ka na..."

"Ok! Eto na sasabihin ko na!"

Bigla siyang natahimik at hinintay ang aking explanation..

"Dinala ako ni Papa sa School of Detectives. 'Yun kasi 'yung pagkakataon para i-train niya ako. Hindi ko na kayo nainform bago kami  umalis. Biglaan kasi eh! Ang weird nga eh kasi bawal dun ang phone"

"Ah..ok! P-pero bakit ang mama mo, hindi alam kung saan ka nagpunta?"

"Ah...y-yun ba? Hindi namin pwedeng sabihin kay mama dahil alam mo naman yun...hindi niya kami papayagan! Gusto niyang maging doctor ako diba?"

Tumango-tango lang siya

Pagkatapos ay hindi na siya nag-open pa ng topic...pero ako...may itatanong.

Hindi ko maiwasang malungkot sa aking ita-tanong. Honestly, nakaka-sama ng loob sa part ko eh!

"Oh! Bakit ganyan ang reaksyon mo?", pagtataka niya

"Alam mo I, honestly nakaka-tampo kayo", pagsisimula ko

Hindi siya sumagot. Hinintay lang niya ang aking sasabihih.

" Bakit ang bilis niyong naniwala na ako 'yung biktima sa may kanto? Hay naku...hindi pala kayo bilib sa galing ko eh! Sa tingin niyo ba hahayaan kong mamatay ako ng ganun na lang?"

Napatingin sa 'kin si Irish na parang nahihiya!

"Sorry!..."

At gumaan ang loob ko sa sorry niya

"Eh kasi naman eh...", pagpapatuloy niya.. "sino ba naman ang hindi maniniwala kung bago 'yung tragedy na 'yun eh may mareceive kang photo ni Mr. Spencer Quijano na naka-upo, naka-blindfold at naka-tali ang kamay!"

"Tsk!"

"Ano?", tanong niya

"Ang lakas talaga mang-trip nun!"

Tinignan ako ni Irish na halatang confused

"Yung nagsend sayo ng picture na 'yun, kasama ko sa mission field. Part ng training namin 'yun. Tinuro kasi kung paano tumakas sa ganung sitwasyon. Eh pinagtripan ka pala!"

"Kasi binigay mo yung number ko!"

"Hindi ah...."

"Paano niya nakuha?"

"Malamang nangalkal!"

"Eh diba bawal ang phone dun?"

"Anak  siya ng director ng school. Tapos pasaway pa siya. Spoiled daw 'yun eh so malamang, nagagawa niya ang gusto niya"

Tinignan lang niya ako ng matagal...

Habang nakatingin siya sa 'kin, bigla akong may naalala tungkol sa kaniya...

(Flashback)

Nabalitaan ko yung tungkol sa crime sa kanto. Dahil ang alam ng lahat eh dead na ako, napag-isip kong mag-go with the flow. Hinayaan ko munang maniwala silang wala na ako. Pero gusto kong mabigyan ng hustisya ang biktima kaya nag-imbestiga ako.

Nag-suot ako ng long sleeve na green at sombrero para matakpan ang mukha ko.

Pagdating ko sa may kanto para mag-hanap ng any clue at nag-iisip sa mga posibleng nangyari, bigla akong may narinig na sumigaw!

"I LOVE YOUUUUUUUU SPEEEEEENCE!!!!!!"

Hinanap ko yung pinanggalingan ng sigaw na 'yun at galing sa rooftop ng Cornerstone Acads. Pagtingin ko...si Irish kasama ang isang lalaking (which happened to be Marcus) nakatingin din sa kaniya!

(End of Flashback)

"Ba't nakangiti ka diyan?'", bigla niyang tanong

At dun ko lang din napansin na nakangiti na pala ako sa kaniya

"H-huh? Wala! Uwi na tayo!", saka ako naglakad nang mabilis

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now