Chapter 7 - Flashback Friday

1.6K 53 1
                                    

(Irish's PoV)

After naming kumain sa Pizza Galore, our first destination for the flashback friday ay sa park kung saan dun kami unang nagkakilala.

Nagtungo kami roon. Marami ang naglalaro sa may court. Bumili kami ng ice cream saka naupo sa isang bench.

Pinagmasdan namin pareho ang court.

Maya-maya pa ay napangiti ako sa biglang nag-flashback sa utak ko. Yun yung unang pagkakakilala namin ni Spence.

Napangiti na lang ako!

Actually hindi maganda ang first meeting namin pero habang inaalala ko yun, napapangiti na lang ako.

Hindi ko napigilan ang mapatingin kay Spence at..

*cough!

Nagulat ako nung makita ko siyang nakatingin rin sakin habang nakangiti.

"Ok ka lang??"

"Ok lang!", sagot ko nang maka-get over ako sa pagkakasamid ko.

OMG..ba't niya ako tinitignan???

"Ba't ka ba kasi nakatingin. Kakagulat ka naman!"

Muli siyang ngumiti..

"May naalala lang ako!"

"Dito?", pagkumpirma ko

"Ang pinakamatapang na batang nakilala ko!", proud niyang sambit.

"Ang pinaka-nakakainis na batang nakilala ko!", sagot ko naman sa kaniya.

(Flashback)

8 years old ako nun

Tinakasan ko nun ang Mama at Papa ko nung namamasyal kami sa park nung makita kong may mga naglalaro ng basketball.

Ang secret dream ko kasi nun ay maging isang basketball player dahil parang ang astig tignan.

Saktong maraming naglalaro nun.

Masaya akong nagtungo roon para makipaglaro.

Kaso..papalapit pa lang ako..

*BOGSH!

Biglang tinamaan ng bola ang ulo ko dahilan para mapaupo ako. Medyo nahilo nga rin ako nun eh. Buti na lang at maliit lang yung bola na tumama sakin!

Nung oras na yun..nainis na agad ako. Turo sakin ni Lolo, matutong ipagtanggol ang sarili.

"Nasaktan ka ba?", yan ang tanong ng batang lumapit sa kin which happened to be Spence.

Sa tanong niya, mas lalo akong nainis. Nakita na nga niyang tinamaan ako ng bola magtatanong pa.

Dahil dun, pagkatayo na pagkatayo ko, binigyan ko agad siyang patalikod na kick. Matatamaan sana nun yung ulo niya pero naiharang niya yung kamay niya. Gayunpaman, natumba pa rin siya.

"Aray!", sigaw niya.

Nang hindi pa ako nakuntento, kwinelyuhan ko siya..

"Hoy! Hindi porket babae ako, kaya kitang labanan 'noh! Wag na wag mo akong babanggain dahil talagang ipapatikim ko sayo ang bagsik ng yellow belter!", mataray kong sambit sa kaniya..

"Spence!", narinig kong may sumigaw. Pagkatapos ay may lumapit na babaeng maganda. Nanay pala niya.

"Hoy bata ano'ng ginawa mo sa anak ko?", agad niyang tanong

"Eh kasi po eh..sinaktan niya ako kaya sinaktan ko rin siya", sagot ko

Maya-maya pa ay lumapit sina Mama at Papa sakin

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now