Chapter 6 - Late Morning

1.8K 64 2
                                    

(Irish's PoV)

"I love you too"

Naputol ang aking mala-fairytale na panaginip nang maramdaman kong may gumigising sakin!

Sayang. Ang ganda na ng panaginip ko eh. Kami na raw ni Spence sa isang mapayapang mundo kung saan wala nang krimen at kasong kailangan niyang i-solve. Nag-I love you raw siya sakin at nag-I love you din ako sa kaniya.

Kaso may mga tao lang talagang istorbo gaya ng aking mapagmahal na Lolo.

Minulat ko ang aking mata.

At natalimbangon ako nang makita ko ang mukha ng lalaking nasa panaginip ko..

W-wait...i-is this another dream? B-ba't mukha na naman niya ang nakikita ko?

Gulat na gulat ako sa kaniya at sa sobrang hindi ako makapaniwala, sinampal ko ng mahina ang aking pisngi baka sakaling magising ako.

"Masyado ka namang gulat na makita ako!"

"Huh?? Ah eh...ba't ka ba kasi nandito sa kwarto ko? Istorbo sa tulog!", mataray kong sagot..

Ngumiti lang siya..

"Nanaginip ka lang ng maganda, nakalimutan mo na agad na may lakad tayo ngayon!"

Oo nga pala. May lakad kami. At agad kong napansin ang kaniyang pormang nakaka---laway??

Naka-long sleeves siya at pants...basta all in all he's so charming.

But W-wait....a-alam niyang..nanaginip ako ng maganda?????

"P-pano mo nalamang nanaginip ako ng maganda???"

"Nagsalita ka..sabi mo i love you.", sambit niya na ginaya pa niya yung pakakasabi ko ng I love you sa panaginip ko. Feeling ko tuloy, from the heart niyang sinasabi sakin. Assuming pa more!

Napanganga ako sa sinabi niya..

Tumalikod ako sa kaniya...

Nakakahiya! Eto na yata yung pinakanakakahiyang nangyari sa buhay ko

"So...sino'ng sinasabihan mo ng I love you sa panaginip mo?", muli niyang tanong

"H-huh?", tanong ko sabay lingon na kunwari eh hindi ko narinig yung sinabi niya

Binigyan niya ako ng puzzling smile.

"I know you heard it. Palusot ka pa!"

Ngumiti ako ng pilit..

"Ah..y-yun ba???", tanong ko in a friendly manner..

Tumango-tango siya while waiting for my answer!

"None of your business", sagot ko in a mataray way.

"Ok!", pagsuko niya.

"Ba't ang tagal niyo diyan?", bigla umeksena si Lolo na kakarating lang.

"Lo..ba't mo naman siya pinapasok dito?", agad kong tanong.

"Ah yun ba? may bisita kasi ako kanina apo. Tutal, may tiwala naman ako kay Spence"

Ngumiti lang si Spence

"Usapan natin 11 am..ikaw pa nga ang nagset eh. 11:15 na..tulog ka pa rin.", sambit ni Spence

Another embarrassing moment.

I wonder..ganito ba talaga kapag in-love? Marami kang magagawang kapalpakan sa taong gusto mo na nagdudulot ng kahihiyan??

"Oo nga..ang late mong nagising ngayon apo. Sigurado, dahil yan sa puyat. Ano ba'ng pinagkaabalahan mo kagabi at late ka'ng natulog?", tanong ni Lolo

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now