Chapter 3 - First Clue

2.9K 126 7
                                    

(Spence's PoV)

Bumalik ako sa room at kinuha ko ang headset saka muling lumabas. Nagpunta ako sa library at doon ko pinakinggang mabuti ang recorded file.

Irish's Voice,

Hello? Bakit ba kasi? Ano ba ang kailangan mo? Pwede ba itigil mo na ang kalokohang 'yan kung sino ka man! ..................hindi ko sasabihin 'yan sa kaniya .....................sino ka ba kasi?................Ikaw 'yong nagnanakaw ng pen? ................ano ba kasi'ng kailangan mo?................challenge? Ano ka bata? Icha-challenge mo si Spence? ...................Hindi ko sasabihin sa kaniya. Ayokong aksayahin niya ang oras niya dahil lang sa 'yo na kung makapaghamon akala mo kung sino............Bahala ka diyan bye!

Si Irish nga talaga 'to. Ang tapang eh! Now I understand. And I can start solving the mystery.

Bumalik ako sa room. Wala pa ring teacher at nagkakagulo pa rin dahil sa nawawalang mga ballpen. Si Irish naman, nakaupo pa rin sa kaniyang upuan which is sa harap ko. Si Jamie naman, nag-aalala rin dahil pati siya nawalan ng ballpen and at the same time, naaasar siya dahil 'yung pink daw paborito niyang pen ang nawawala.

Riiiiiing!

It's Irish's phone. Pagkakataon ko na 'to.

Kinuha ni Irish ang phone niya sa bag niya. Sasagutin na dapat niya ito nang bigla kong hablutin at tumakbo ako palabas.

"Trust me, ako'ng bahala rito," paniniguro ko.

Bago pa man siya makapagreact, inunahan ko na. Para sigurado na hindi niya ako ma-sundan, pumasok ako sa loob ng CR tutal malapit lang namam sa classroom namin.

"Hello?"

"S-Spence?"

"Yes it's me! So ikaw pala 'yung makulit na tawag ng tawag kay Irish at kung hindi ako nagkakamali, ang nangunguha ng mga ballpen."

"At bakit hawak mo ang kaniyang cellphone?"

"Dahil kinuha ko. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan mo pang idaan sa kaniya ang mensahe mo para sa 'kin. May cellphone naman ako ah!"

"So do you accept my challenge?" diretsahan niyang tanong.

"Sounds interesting. So what is this challenge all about?"

"Gusto ko lang subukan kung gaano ka kagaling. Gusto kong alamin mo kung sino ako sa pamamagitan ng ballpen. I'll give you time until friday. 'Pag di mo nalutas ang misteryo sa mga ballpen, may malaking kapalit. Seryoso ako!

Sasagot pa lang sana ako nang ibaba niya ang phone. Hmmm, naka-voice changer siya. Mababa ang boses niya. Kung naka-voice changer siya, may posibilidad na kilala namin siya.

I'll give you time until friday!

Tama, nasa linyang 'yan ang clue. Ibig sabihin, this mystery is not meant to be solved for today but until friday because he's not yet done showing clues. Pero nasaan ang clue sa pen?

Saka sino naman kaya ang gustong sumubok sa 'kin? Isa lang ang sigurado ako sa ngayon tungkol sa taong 'yun. Kilala niya ako at nabalitaan niya ang paglutas ko sa murder case.

Hmmm...parang may naaalala akong ganitong kwento eh! Parang ganito rib 'yung kwento ni Shinichi Kudou eh, 'yung Challenge letter sa kaniya. Ang kaibahan lang namin, ako through call. Siya, letter. Pero sa huli, 'yung sumubok sa kaniya ay ang girlfriend ng isang pinakulong niya.

Iwinaksi ko ito sa aking isip. Hindi! magkaiba kami ng kwento. Imposible!

-----

Tumabi ako kay I na kumakain sa cafeteria ng kaniyang paboritong pizza para isauli ang kaniyang cellphone. Samantala, inabot lang niya ito nang hindi man lang ako pinapansin.

" 'Pag tumawag siya ulit, inform mo ako agad."

Hindi pa rin niya ako pinapansin. Nang maubos niya anf kinakain niya, umalis na siya. Ni hindi nya ako pinansin. Malamang galit 'yun dahil sa paghablot ko sa cp niya. Hahabulin ko sana siya para mag-sorry nang biglang lumapit si Sherry.

"My love, ano? May naitulong ba 'yung nirecord ko?"

"Meron naman. Salamat!"

"Wala 'yon basata 'yung free lunch natin ah!" paalala niya.

"Sige after I solve the mystery!"

Napaka-gigggle siya nang marinig niya ang sinabi ko. Talaga 'to!

-------

"Class dismiss."

'Yan ang pinaka-gustong gusto kong naririnig sa isang teacher. Dahil class dismiss na at last period na, ibig sabihin uwian na. Napa-tingin ako sa aking relo. 4:30 pm na. Samantala, nagsilabasan na ang lahat. Ako naman, naiwan lang. Sa katunayan kasi, wala pa akong balak umuwi.

Pagkaalis nila, kinuha ko ang bond paper at lapis sa bag ko. In-sketch ko ang ayos ng upuan namin. We're 50 in class and there are exactly 50 chairs for us. Ang upuan ay 5 rows at 10 columns. All those seats are in the middle of the classroom. Dalawang araw na silang nawawalan ng ballpen. At iba-ibang tao ang nawawalan. Isang patunay na may ipinahihiwatig ito. Pero ano naman kaya ang nais nitong ipakita?

Sa sketch ko, isinulat ko rin kung sino ang mga nakaupo. Ngayon, mas madali kong maiintindihan 'pag may nawalan ng ballpen.

Pag-uwi ko sa bahay, nadatnan ko si Mama at Papa sa kusina. As usual, nagtatalo na naman sila.

"Nakakainis ka talaga. Day-off mo nga pero parang hindi rin! Lagi kang nasa library mo. Kung hindi naman, umaalis ka!"

"Eh kasi...alam mo naman, busy ako!"

"At ano naman ang pinagkakaabalahan mo? Day-off mo nga diba?"

"Ma, Pa, ano'ng problema niyo?"

"Eh paano kasi 'tong Papa mo, lagi na lang niya akong dini-dedma!"

"anong dini-dedma? Pinagluto kaya kita ng agahan!"

Para talaga silang bata. Bahala na nga sila! Hinayaan ko na sila at umakyat na lang ako sa kwarto ko.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now