Chapter 10 - They Command

2K 78 4
                                    

(Spence's PoV)

At dahil dun, natuloy din kami ni Irish sa lakad namin. Nung una nga ayaw niyang sumama eh! Kinailangan ko pa siyang pilitin.

Lalabas na kami ng gate nang bigla siyang magsalita.

"Hindi mo dapat ginawa yun!"

Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya.

"Pasensya na napilitan lang!"

"Ganun ba ka-importante yang ipapakita mo sakin na kailangan mo pang gawin yun kay ma'am?"

"Bakit? Gusto mong magquiz kanina? Pwede ko namang puntahan si ma'am, mag-aapology ako at sasabihin kong ituloy na natin ang quiz!", sagot ko at kunwari akong naglakad na pupuntahan si ma'am.

"T-teka sandali!", agad niya akong pinigilan.

"Siyempre ayokong magquiz. Tinanong lang naman kita! Tara na nga sa pupuntahan natin!", sagot niya confidently at nauna na siyang naglakad. Siyempre sumunod naman ako.

---------

Sa starbucks kami dumiretso gaya ng napag-usapan namin ni tita.

Papasok na dapat kami nang mapatigil siya.

"Oh bakit?"

Tinignan niya ako nang naaasar!

"So pinaglaban mo ang pag-alis natin para sa starbucks!?"

"Hindi lang 'to basta starbucks!"

At pumasok na ako.

Hinanap ko agad si tita. May nakita akong nakaupo roon na nakatalikod. Siya na siguro yun!

Lumapit ako at siya na nga!

"Mabuti nakarating kayo!"

"T-tita Irene?", hindi makapaniwalang tanong ni Irish!

"Baby Ken!", masaya niyang sambit at agad niyang kinarga ang bata.

"Na-miss ko po siya!", sambit ni Irish.

Narinig din naming tumawa si Baby Ken nang kargahin siya ni Irish.

"Salamat dahil nagpunta kayo!", seryoso at medyo nahihiyang sambit ni tita Irene.

Umupo kami ni Irish habang karga pa rin niya si Baby Ken. Magkatabi kami ni I at at kaharap namin si Tita.

"Ang totoo niyan...nahihiya ako sa yo Irish!"

Hindi umimik si Irish. Nakinig lang siya kay Tita Irene!

"Pinag-alala kita ng sobra. Ikaw na nga 'tong nagmagandang loob!"

"Ok lang po tita. At least alam niyong hindi rin gaanong maganda ang nagawa niyo!", sagot niya ng nakangiti.

Napalingon ako kay Irish sa sinabi niya. Marahil ay hindi pa rin siya ganun maka-get over pero halata namang ok na siya kay Tita. Siguro yung part lang na yun!

"Maraming maraming salamat sa kabutihan mo. Manang-mana ka talaga sa mama mo!", sambit ni Tita Irene. Napansin kong medyo nalungkot si Irish sa narinig.

"At ikaw Spence, salamat dahil ginawa mo ang lahat para makumpirmang ok si Baby Ken!"

Ngumiti lang ako kay Tita Irene.

"Alam niyo, napakabuti niyong mga bata. Ipagpatuloy niyo lang yan! Hindi ko makakalimutan ang tulad niyo!"

"Tita...ba't parang nag-papaalam kayo?"

Napabuntong hininga si tita.

"Ang totoo niyan...nagpapaalam talaga ako Irish! Yun ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag. Gusto kong magthank you ng personal at ibigay 'to!", may binigay siyang necklace na ang pendant ay "thankyou!"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now