Chapter 4 - The Dance

2.4K 102 4
                                    

(Irish's PoV)

Patuloy pa rin kami sa pag-uusap ni Carl. Medyo naiilang pa rin ako sa kaniya but he's trying his best to make me comfortable with him.

"So apo ka ng isang inspector!?"

Si Carl naman ngayon ang nagulat no'ng malaman niyang Lolo ko ang isa sa mga Inspector na inimbita nila.

"You know what? I admire those people who work for justice. They make things clear through their investigations," bilib na bilib na sambit ni Carl.

Napangiti ako! Pareho pala kami.

"Ako rin! Kaya nga gusto ko ring maging tulad ni Lolo balang araw!"

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi siya makapaniwala ngayon sa kaniyang narinig.

"Tulad ng Lolo mo? Mag-iimbistiga rin? Hindi ba delikado 'yun?"

Concern?

^_^

"Para sa 'kin hindi naman! Hindi pa naman napapahamak si Lolo. Ilang taon na siyang inspector!"

Hindi siya umimik!

"Bilib ako sa mga tulad mo! Matapang ka."

"Ah, h-hindi naman masyado!"

Pagkatapos no'n ay wala munang naka-imik.

(Spence's PoV)

"Hi handsome!"

Nakaupo ako ngayon habang umiinom ng juice drink nang biglang may lumapit sa 'kin.

"Is it me your addressing the word handsome?" tanong ko upang linawin ang mga bagay-bagay.

"Definitely."

Nakasuot ng red dress ang babae na may blonde hair at may iniinom na wine!

Pagkatapos ng mga kausap kong girls na nangungulit earlier, heto na naman. Another one!

"Are you not going to offer me a seat?"

Seductive siya magsalita!

Hindi naman ako ang may-ari ng upuan bakit ko siya babawalan!

"You're free to sit!"

Umupo naman siya nang sinabi ko 'yun and gave me another seductive smile!

"I heard about you! You're the guy who solved the murder case in Cornerstone Academy, right?"

"Ah, yes!"

Talagang marami pala ang nakabasa ng article na 'yun.

"You're not just a good mystery case solver I guess! You're also a good looking guy who can capture every woman in this room."

Maganda ang sinabi niya but I'm not convinced!

Napa-lingon ako kay Irish na noon ay may kausap na lalaki. Mukhang nagkakamabutihan sila!

"Not all," bulong ko sa sarili ko.

"Are you saying something?"

"Uhmm, it's a personal thing!"

Nginitian ko siya.

"Thank you for the compliment!" sambit ko.

Halatang natuwa siya!

"Ako pala si Clarisse and you're Spence right?"

"Yes!"

"So glad na dito ko pala ma-mi-meet ang lalaking crush na crush ko."

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now