Chapter 4 - Pattern

2.7K 116 3
                                    

Pangatlong araw na mula nang mawalan ng ballpen ang aming section. Ngayon, iba namang mga kaklase ko ang nawawalan. 'Yung iba tatlong beses nang nawalan, meron namang dalawang beses at 'yung iba unang beses pa lang.

Since vacant time namin, tumayo ako sa harap dala-dala ang papel at ballpen saka sila tinanong.

"Gusto ko ring alamin kung sino ang gumagawa nito dahil gusto ko nang matapos 'to. Kaya maaari niyo bang sagutin ang mga tanong ko?"

Napatigil sa pag-iingay ang buong klase nang magsalita ako.

"Sino rito ang nawalan ng ballpen no'ng Martes?"

Nagtaas sila ng kamay at isinulat ko lahat ng pangalan nila.

"Sino naman ang nawalan kahapon?"

Inilista ko ulit ang pangalan ng mga nagtaas ng kamay.

"Sino ang nawalan ng ballpen ngayon?"

Inilista ko ulit ang pangalan nila.

"Okay, salamat!"

Hanggang doon na lang muna!

Nagpunta ako sa study table ng library at pinag-aralan kong mabuti ang nilista kong pangalan at inilabas ko rin ang aking sketch.

Hmmmm! Ang ayos ng upuan ay 5 rows by 10 columns. 50 lahat ang seats na nando'n.

No'ng Lunes, 28 ang nawalan ng ballpen. Tinignan ko kung sino ang nawalan.

Sa unang araw, lima ang nawalan sa first row, walo sa second row, walo ein sa third row, walo rin sa fourth row, pero walang nawalan sa last row. Tunay ngang may pinahihiwatig ang mga ballpen. Iba-iba ang bilang ng nawawalan ng ballpen sa bawat row.

Pero paano ko mahahanap ang clue dito?

Ipagpalagay natin na lahat ng x ay ang mga nawalan ng ballpen.

0 0 0 0 0 0 0 0 0 0
x x x x 0 x x x x 0
x x x x 0 x x x x 0
x x x x 0 x x x x 0
x x x x 0 0 0 0 0 0

Ito naman ang ayos ng mga nawalan at hindi nawalan sa pangalawang araw.

0 0 0 0 0 0 0 0 0 0
x x x x x x x x x 0
x x x x x x x x x 0
x x x x x x x x x 0
x x x x 0 0 0 0 0 0

At ito ang ayos sa pangatlong araw.

x 0 0 0 0 0 0 0 0 0
0 x x x x x x x x x
x 0 x x x x x x x x
0 0 0 0 0 0 0 0 0 0

Ano ang kakaiba rito? Nasaan ang clue? Tinitigan kong mabuti ito at napa-isip.

Sinubukan kong ikutin ang pattern ng clockwise. Bigla akong napa-tigil nang ikutin ko ito. Mayamaya pa, napangiti na lang ako. Ayun nga! Ngayon alam ko na ang pinahihiwatig ng mga ballpen.

dJn!

'Yan ang mga letrang mabubuo sa pattern.

dJn!

Pero ano ang ibig sabihin niyan? Isa kaya itong initials ng mahalagang mensahe? Tama! Maaaring acronym ito! Pero kailangan ko pa ng mas maraming clue tungkol dito.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Irish...

...kaso, hindi niya sinasagot.

Sinubukan ko pa ulit siyang tawagan...

Riiiiiing!!!!!

Riiiiiing!!!!!

Wala pa rin eh! Hindi niya sinasagot. Kailangan kong makuha ang number ng tumatawag sa kaniya!

Aha...meron pala akong bagong assistant!

Tinawagan ko si Sherry! Buti na lang sinagot niya agad.

"Hello Sherry!"

"My love, bakit?"

"Kailangan ko ang tulong mo!"

"Anong klaseng tulong?"

"Kailangan ko angnumber ng tumatawag kay I!"

"S-so y-you want me to get it?" pag-aalangan niya.

"Sana! Ikaw lang kasi ang nakikita kong makakatulong sa 'kin!"

"P-pero pa'no? Parang mahirap 'yan ah!"

"Kaya mo 'yan! Ganito ang gawin mo..."

Tinuruan ko si Sherry kung paano niya kukunin ang number na kailangan ko at napanatag siya.

"Sige! Kaya ko 'to basta para sa 'yo!"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now