Chapter 2 - Goons' Victim

884 32 1
                                    

(Spence's PoV)

"That's for Irish!", sagot niya

At agad na siyang naglakad pabalik sa kaniyang sasakyan.

Agad akong tumayo at sinundan siya.

"Whaaat? For Irish? What do you mean?"

Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"Answer me! Marcus. I can't take a punch just for nothing."

Naiinis na ako ah! Sinuntok ako tapos ayaw niyang magpaliwanag?

Binuksan niya ang pinto ng kaniyang sasakyan. Sinubukan ko siyang pigilan. Hinarangan ko siya.

"You're a detective right? Then why can't you figure it out yourself?"

"So you mean you asked me to come here, gave me a punch and then leave me with a hanging question?"

"I'm not in the position to say it."

"But you're in the position to punch me?", angal ko.

Honestly, gustong-gusto ko na rin siyang sagutin ng isang suntok. Pambawi lang sa ginawa niya sakin kanina.

Hindi siya umimik at tuluyan na siyang pumasok sa sasakyan. At iniwan na nga ako dung nag-iisa at puno ng tanong.

"After all, Marcus!", yan na lang ang nasabi ko.

Maya-maya pa ay pinagmasdan ko ang paligid.

Of all the places, bakit dito pa sa lugar na 'to niya ako napiling kitain? I mean dito pa niya ako napiling suntukin?

Hindi kaya....may kinalaman ang lugar na 'to sa mga dahilan kung bakit siya ganun umasta?

Bigla kong naalala yung mga naganap. Dito ko nga pala iniwan si Irish. Pero parang ang babaw naman kung sa dahilan lang na yun eh igaganti na niya. Unless medyo tinamaan yung utak niya nung na-abduct siya.....

Or baka alam niyang dahil konti lang ang tao dito kaya kung may gagawin man siyang hindi maganda, alam niyang walang witness dito.

Maya-maya pa ay bigla kong naalala ang weird na ikinikilos ni Irish. Maging yung cold na pakikitungo niya sakin. So siguro may alam si Marcus sa mga nangyayari kay Irish. And it's something like....kasalanan ko?

Anyways, napatingin ako sa orasan. Malapit na ang first period namin ng hapon. Dali-dali akong pumasok sa school. Buti na lang wala pa yung teacher pagka-pasok ko sa classroom pero lahat nasa kaniya-kaniya nang upuan at hinihintay na lang namin si Ma'am.

"Spence....anyari sa'yo? Ba't may pasa ka?", tanong ni Aries nung makita niya ako.

I just waved my hand at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad patungo sa upuan.

I noticed Irish, hindi nakatingin sakin. And si Jamie nagaya na siya kay Irish na ayaw na ring tumingin sakin.

Hay naku! Ano ba kasi talaga'ng nangyayari?

Kung may problema at may nagawa akong kasalanan, eh di sana sabihin nila para maging aware naman ako at alam ko kung ano'ng dapat kong gawin. Hindi yung ganito!

After class, sinubukan kong kausapin si Irish. I want to clear things out!

"Irish!", pagsisimula ko.

"Ano ba'ng nangyayari?", pagpapatuloy ko

"Ano'ng anong nangyayari?", tanong niya habang inaayos ang bag niya.

"Wag ka ng magkunwari na parang wala. Alam kong may nangyayari eh!", pagpipilit ko.

"Manhid!", singit ni Jamie. Halatang inis din siya sakin.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now