Chapter 4 - Her Plan

1.8K 64 13
                                    

(Spence's PoV)

4 pm ang uwian namin from school. Bago ako umuwi, nagtungo muna ako sa hellhound statue para icheck ang structure nito.

Pinili kong magpunta dun sa oras na walang masyadong tao para mas tahimik ako makakapagconcentrate ako.

Tinignan kong mabuti ang statue. Kung titignan kasi talagang mabuti, parang isa lang itong simpleng statue na gawa sa silver.

Tinignan ko ang paligid nito upang makita kung meron bang kakaiba dito.

Pero masyadong malinis ang pagkakaukit nito. Wala akong ibang makitang maging 'cause ng pagkabuhay nito. Pag wala akong nakitang kahit kaduda-duda, baka nga mali ang iniisip ko. Pero imposible namang supernatural. Ni hindi totoo ang mythology.

Napatingin ako sa mata nito dahil tila may kakaiba sa kaniyang mata na maaakit kang tumingin dito. Ang kaniyang mata ay made of silver pa rin at wala namang kakaiba. Pero kapag nakatingin ako sa iba, from the corner of my eyes tila ito totoong mata na nakatitig sakin kaya naman napapatingin ako.

Pero wala eh. Simpleng mata lang na silver ang nakikita ko. Kung may kakaiba man, yun ay ang mata niya.

Nakatuntong din ang hellhound sa isang square na silver din. Medyo mataas din ito na nasa 6 inches. Napahawak ako rito at pareho lang ang structure sa katawan.

Para mapag-aralan ko itong mabuti kahit sa bahay namin, kinunan ko ng larawan ang hellhound. Mula front view, side view, up view, at siyempre maging ang kaniyang mga paa at yung tinuntuntungan niya.

Dahil wala akong balak gabihin dun, dahil gusto ko, kung makikita kong nabuhay ang statue, dapat may gawin ako hindi yung papanoorin lang ito, umuwi na ako.

(Irish's PoV)

7 o'clock nang matapos kaming kumain ni Lolo ng hapunan. Sa sobrang desperada kong makita kung totoo ba yung tungkol sa statue, nagpaalam ako kay Lolo na lumabas.

"San ka naman pupunta apo?"

..

"Uhmm..'Lo kasi..m-may b-bibilhin lang sana ako."

"Ano naman? Samahan na kita!"

"Hindi na po.", protesta ko sa kaniya.

Halatang medyo nagulat siya sa reaksyon ko.

"Gabi na..baka kung mapano ka!"

"Lolo naman nakakasakit ka naman ng feelings. Diba nga black belter ang apo niyo?", pabiro kong sagot.

Medyo napaisip si Lolo

"Oo nga 'no. Eh pano, matagal ka nang walang laban. Baka nakalimutan mo na."

"Siyempre hindi po Lo! Ako pa!"

At sa huli pumayag rin siya.

Bago ako tuluyang makaalis, tatlong beses munang binaggit ni Lolo yung salitang 'mag-iingat ka apo'!

Pagkatapos ay tuluyan na akong naglakad paalis.

(Spence's PoV)

Hindi ako mapakali sa aking kwarto. Sobrang nag-aalala ako kay Irish. Base kasi sa mga statement niya sa pag-uusap namin kanina, lalo na nung tinanong ko kung naniniwala ba siya sa mga sabi-sabi tungkol sa hellhound statue..

Ewan ko. Naguguluhan ako eh. Hindi ko pa naman kasi nakita on my own eyes

Parang hindi maganda ang kutob ko sa sinabi niya!

Agad kong tinawagan si Irish..
Nag-riring ang phone niya pero hindi niya ito sinasagot.

Hanggang sa naka-limang tawag ako pero wala pa rin. Hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now