Chapter 3- Tournament

4.6K 165 7
                                    

(Spence's PoV)

Umpisa na ng sports fest. Nagha-handa na kami sa unang laro. Kalaban namin ang Sharks. Punong puno na ang buong gym. Maingay na rin. Kinakabahan din kami kahit pa-pa'no. Si coach, kinakabahan din pero hindi ko alam kung ano'ng klaseng kaba ito, kung dahil sa laro o sa threat. Nitong umaga kasi, meron ulit siyang na-tanggap na threat pero this time, nasa loob naman ng bag niya. Pareho din sa natanggap niya no'ng una at gaya no'ng una, hindi ulit niya ito pinansin at itinapon lang sa basurahan.

Naririnig ko na ang nag-a-anounce. Binanggit ang team ng sharks at malakas ang hiyawan ng mga tao. Mayamaya pa ay tinawag na kami at sa paglabas namin, siyempre mas malakas ang hiyawan ng mga tao.

Nagwarm-up lang kami ng ilang minuto at nag-simula na ang laro.

Kami agad ang nakakuha sa bola. Ipinasa ni Mark, teammate ko na rebounder, ang bola sa akin na saktong naka-pwesto ako malapit sa ring at wala akong bantay. Shinoot ko ito at pumasok!

In-announce naman agad  na nai-shoot ko ito.

Lamang kami agad ng dalawang puntos.

Nakuha naman ngayon ng opponent ang bola at nai-shoot naman nila.

Tuloy lang ang laro. Minsan lamang sila, minsan lamang kami. Hanggang sa matapos ang first quarter at kami ang lamang ng 2 points.

Sa pagpapatuloy, 2nd quarter na! Hindi muna ako pumasok dahil napansin ni coach na ako ang pinag-iinitan ng Sharks. Akalain mo naman kasi, madalas nila akong banggain at pinapasa nila sa binabantayan ko ang bola para ma-foul ako. Natapos ang 2nd quarter na lamang sila ng 10 points.

Sa final quarter, ipinasok na ulit ako. Kailangan naming maka-habol. Hindi pwedeng malaglag agad kami.

Nagsimula na ang laro. Kailangan kong magdoble ingat. Nakaka-shoot kami pero nakaka-shoot din sila kaya lamang pa rin sila.

94-86 ang score at sila ang lamang. Gwardiyado pa rin ako ng 6 footer na player kaya hindi nila maipasa sa 'kin dahil kayang-kaya niyang i-block ang bola.

Lamang pa rin ang kalaban with a score of 101-92. Kelangan ng sunod sunod na three points para maka-lamang kami. Maraming pagkakataon na sa amin ang bola kaso puro kapos. Paano ba  ako makakalusot sa 6 footer na 'to?

Hmmmmm...

Ano ba ang weakness ng mga masyadong matangkad?

*isip Spence

Aha, alam ko na, mas mabagal kumilos ang mga matatangkad. Pag paliksian lang ang usapan, siguradong talo sila.

Nakita ko ang mga paa ni 6 footer, kasya do'n ang bola. Nakita ko na hawak ni Jimson ang bola, siya ang pinaka-maliit naming ka-team. Sinenyasan ko siya. Good thing naintindihan niya. Ang ginamit niyang trick?

Mistulang gagawin niya ang above the head pass kaya tumalon si 6 footer kaso kunwari lang 'yun para lituhin siya dahil ang totoong ginawa niya, dribbling pass at ang bola ay dumaan sa pagitan ng paa niya. Ito na ang pagkakataon ko!

"Thanks, Jimson!" sigaw ko.

Agad kong itinakbo ang bola at ayun, shoot!

Dahil alam ko na ang trick, hindi ko na sila pinagbigyan. Score na namin lahat at no'ng 10 seconds nalang, kelangan namin maka-3 points para lumamang kami. Ang masama, hawak nila ang bola.

Napa-ngiti ako bigla. Alam ko na!

Agad akong tumakbo. Ang may hawak ng bola, isho-shoot na niya. Pagkapakawala niya ng bola, agad akong tumalon at tinap ko ang bola at sumakto kay Mark. Tumakbo ako malapit sa three points lane at pinasa niya sa 'kin.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now