Chapter 4 - Losing him

2.2K 73 18
                                    

(Irish's PoV)

"Hi Lo!", bati ko kay Lolo nung makita ko siyang dumating habang nagtitimpla ako ng gatas ni Baby Ken. Si Baby, ayun nakaupo lang siya sa kaniyang stroller sa tabi ko at pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Hello!", sambit niya at agad siyang napatingin kay baby Ken.

"Hello, kumusta baby???"

Nakita kong natuwa si baby nang makita niya si Lolo.

Kinuha ni Lolo si Baby at kaniyang kinarga.

Nilaro-laro niya si baby. Yun bang tila ihahagis niya si Ken pero hindi naman. Dahilan para matawa si baby.

Napapangiti lang naman ako.

"Sabihin mo nga Lolo?"

"Lolo..", turo ni Lolo sa kaniya..

Nakita kong pinagmasdan ni Baby Ken si Lolo...maya-maya pa ay sumagot siya...

"Ete..."

Nagtaka naman kaming pareho ni Lolo..

"Ete Aiyish"

Napatingin sakin si Lolo at ako naman agad lumapit sa tuwa..

"Wow Baby Ken! Very good. Alam mo ang pangalan ko!", tuwang-tuwa kong sambit.

"Pambihira!", pagseselos ni Lolo

"Lolo ang pinapabigkas ko..pangalan mo naman ang sinasabi niya!"

Binigyan ko si Lolo ng ngiting nakakaloko!

"Eh..ako yung kasama niya maghapon eh..", biro ko kay Lolo.

We just had our dinner. Pagkatapos, dumiretso ako sa aking kwarto para patulugin si Baby Ken. Nakatulog naman siya agad!

Habang ako...hindi ko pa rin maiwasang isipin si Spence. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot tawag ko. Maitext na nga lang siya....

Ui...

..

..

..

At naghintay ako ng reply niya...

..

..

..

..

Ayun..nagvibrate yung phone

Dali-dali kong binasa ang message

??????

Wow ha!

Sorry ulit

May assignment ba tayo??

Napabuntong-hininga ako...napaka-layo ng reply.

At nagdesisyon akong wag na lang magreply!

------------

The next morning, nagising akong umiiyak si baby!

"Oh baby? Gutom ka na?"

Agad ko siyang binuhat. Nagpunta ako sa kusina at nakita ko na dun yung bagong timplang gatas.

Nakaalis na rin nun si Lolo!

Agad ko siyang pina-dede at nagbehave naman siya agad.

Linggo pala ngayon...kailangan kong maligo para makapagsimba!

Kaso hindi ko pwedeng iwan si Baby Ken dito mag-isa lalo na't gising siya. Baka kung ano-ano'ng hawakan niya o pakialaman niya. Bata pa man din siya! Curious pa siya masyado.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now