Chapter 10 - Closed

2.4K 103 12
                                    

(Spence's PoV)

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan sina Detective Gilbert at Tor na nagresearch tungkol sa mga suspek. Tinanong ko sila sa na-research nila and the moment na malaman kong nakabalik na sila sa hotel, umalis na rin kami upang pumunta roon! Kinuha namin ang box. Nagpasalamat kami kay Mr. Warren saka umalis.

"Inspector, alam ko na kung sino ang may gawa sa pagkamatay ni Mr. Rod"

"Kung ganoon tatawagan ko na ang mga pulis"

Tumango ako at agad na tinawagan ni Inspector ang police station!

......

....

.....

....

Mukhang bumibilis ang serbisyo ng mga pulis ngayon. Pagdating namin sa Hotel Park, nandoon na sila!

"Totoo ba na alam niyo na kung sino ang may gawa nito kay Mr. Rod?", hindi makapaniwalang tanong samin ni Inspector Jorge!

"Babasahin ko na lang ang last evidence!"

Iniabot sakin ni detective ang profile and info tungkol sa isa sa mga suspek.

Nang mabasa ko ito, na-confirm na tama ang deduction ko! Siya nga!

Pinatawag ni Inspector ang mga suspek!

Dumating sina Chef Leo, Edward, President Richard at Madison!

Iba-iba ang expression ng mukha nila.
Si President Richard, confident lang...ang yabang ng dating ah! Tignan lang natin...

Si Chef Leo, kinakabahan..

Si Madison, naiiyak!

At si Edward, natatakot.

"Ngayon  bata, sabihin mo kung sino ang may gawa sa pagkamatay ni Mr. Rod!"

At sinimulan ko na nga....

"Ok! Una, pinaghandaan niya itong mabuti. Matagal na niyang balak patayin si Mr. Rod, president pa lang siya noon sa Hotel na 'to!"

Napansin kong nakikinig silang mabuti na tila ba ayaw nilang may masayang sa sasabihin ko.

"Ang dahilan kung bakit wala tayong makuhang lead dito ay dahil isinagawa niya ang kaniyang plano sa labas ng ball!"

"Ano'ng ibig mong sabihin?" - Detective Herald

"May natanggap si Mr. Rod na box bago pa man maganap ang ball"

Iniabot sa akin ni inspector Alvarez ang box.

"Galing ito sa pumatay sa kaniya. Base sa sulat, malalaman kung ano ang motibo sa pagbibigay ng box na ito. Mababasa dito na may bote ng lason sa loob, invitation, picture!"

Inilabas ko ang picture...

"ito ang picture na ginamit ng murderer para i-control si Mr. Rod. Alam kasi niya na kayang ibigay ni former President ang buhay niya para sa anak niya"

Itutuloy ko pa sana ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Inspector Jorge!

"Kung may invitation sa loob, iisa lang naman ang may kakayahang magbigay ng invitation...sino pa eh di ang may-ari ng ball...ikaw 'yun diba Mr. President Richard?"

Nakita kong nainis si Pres. Richard sa sinabi ni Inspector!

"Sinasabi mo bang pinatay ko si Rod HA?????? HINDI KO SIYA PINATAY AT WALA AKONG ALAM DIYAN...HINDI KO SIYA PINADALHAN NG BOX! Kaya maghinay-hinay ka sa sinasabi mo!"

Dinuro-duro pa ni Pres. Richard si Inspector sa sobrang inis.

Huminga ako ng malalim..

"Nung una, naisip ko rin na si Pres. Richard ang may gawa dahil sa invitation! Pero nung mabasa kong ang ginamit ng sumulat ay party at hindi ball, dun ko nalaman na hindi si President 'to! Kung ang may-ari ng ball ang susulat, siguradong gagamitin niya ang tamang termino. Pag hindi iyo ang isang event, siguradong magkakamali ka ng tawag sa event na yun!"

Biglang huminahon President Richard!

"Ang taong pumatay kay Mr. Rod ay ang taong tinanggal niya sa Hotel Park na dahilan kung bakit wala siyang pinambili ng gamot para sa kapatid niya. Ngayon, nasa Hotel Park ulit siya sa tulong ni President Richard."

"Kung ganoon sino siya?", tanong ni Detective Herald

"Ikaw yun....", sabay turo ko sa culprit

".............Edward!"

"HUH???"

Nakita kong nanlaki ang mata niya nang ituro ko siya pero pinilit niyang maging kalmado.

Nagulat din ang mga nasa paligid ko sa sinabi ko.

"Young Detective...nagkakamali po kayo! Wala po akong alam diyan!"

"Totoo ba 'to ha bata?", tanong sa 'kin ni  Inspector Jorge

"Hindi pa po ako tapos...may ebidensya pa ako!"

"Ebidensya? Sagutin mo na lang ang tanong ko...paano naman ako makakapagbigay ng invitation..eh hindi naman ako ang may-ari ng party!"

"Kakabanggit mo lang! Party ang term mo..pareho sa terminong ginamit sa sulat"

Napansin kong nagulat ulit siya pero pinilit niyang itago ito

"May access ka kaya nakapagbigay ka ng invitation! Isa ka sa mga workers ni Merly, ang organiser ng ball"

"Hindi yun sapat na ebidensya! Kaibigan din ni Merly si Madison!"

"Pero hindi ako kumuha ng invitation  sa kaniya", depensa ni Madison

"Hindi mo talaga alam kung kailan susuko! Ayoko na sanang gamitin 'tong huling ebidensya kaso mukhang gusto mo pang marinig"

Tinanggal ko ang takip ng box at pinakita ko ang nasa ilalim!

"Nakalagay, EDEDIDIT!"

"So????", natatawang tanong ni Edward

"Ito ang pangalan mo!"

Natawa si Edward sa sinabi ko

"Kung ano-ano'ng sinasabi mo!"

"Expertise ni Mr. Rod ang English kung kaya't siya ang madalas pinapadala sa mga business meetings with Americans with different accent! Ang kaniyang sinulat ay isang Assimilation sa English language kung saan pinagdugtong niya ang mga salita at yun ang na-form. Kung bubuuin yun as a sentence, ang magiging ibig sabihin from EDEDIDIT ay ED HAD DID IT! At ang pangalan mo sa office dati ay Ed"

Bigla na lang napaluhod si Edward!

"Akala ko kasi hindi ako mahuhuli!"

"Minsan ang akala natin, yun ang magpapahamak sa tin! Walang naidudulot na maganda ang pagganti o ang pagkitil ng buhay. Hindi natin alam, ang kagustuhan nating gumanti ay ang siyang magpapahamak din sa atin sa huli!"

Dinampot siya ng mga pulis para dalhin sa prisinto...

.....

....

"Tunay ngang mana ka sa Papa mo!"- Inspector Jorge

"Slight lang po!"

Habang nag-uusap kami, bigla kong nasulyapan si Irish na paparating pero hindi yata niya ako napansin!

Bigla kong naalala yung nagawa ko sa kaniya. Nung pinalabas kong tinatawag siya ng Lolo niya bagay na kinainisan niya! Lagot!

"Uhmmm...inspectors, d-detectives...k-k-kailangan ko na pong umalis!"

"Huh? eh...magkwentuhan pa tayo!" - inspector Jorge

"Hindi na po! Inspector Alvarez, mauna na ako!"

Halatang nagtataka siya dahil bigla akong nagpapaalam..

"Si Irish...parating na hindi mo ba siya hihintayin!?" - inspector Alvarez

Kung alam niyo lang po...siya ang iniiwasan ko!

"Uhmmm...m-may aasikasuhin pa po kasi ako! Sige po"

Agad akong umexit...medyo tinatakpan ko pa noon ang mukha ko para hindi niya mapansin!

And buti na lang hindi talaga niya ako napansin!

Goodnight Irish!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now