Chapter 9 - Deductions

1.7K 70 0
                                    

(Irish's PoV)

So pano mo naman nasabing may kumuha rito????

May inilabas na picture si Spence sa kaniyang bag.

Photos ng paa ng hellhound statue.

Agad mapapansin ang pinagkaiba. Yung isa, nasa pinaka-center ng tinutuntungan nitong square na something at yung isa naman medyo gilid na.

"Hindi ko sinabi ang pag-iimbestiga ko dahil gusto ko, kumpleto ako ng ebidensya.", pagsisimula ni Spence

"S-so i-ibig sabihin ba nito alam mo na ang lahat tungkol sa statue?", bilib na tanong namin kay Spence

Tinignan niya kami at tumango..

Aba...tunay ngang napakagaling ng lalaking 'to.

Wala akong ibang gustong marinig ngayon kundi ang paliwanag niya kung ano nga ba ang nangyayari sa likod ng hellhound statue.

"Kung mapapansin niyo sa picture, yung isa, nasa center ang paa, yung isa naman medyo nasa gilid!", pagpapatuloy ni Spence at kami naman ni Jamie, nakinig lang ng mabuti.

"This is just a proof na totoong naglalakad ang statue at lumilipat sa kaniyang pwesto na siyempre bumabalik din, yun nga lang ang position niya ay hindi kapareho ng una. Kung titignan yung pwesto niya ngayon kung saan wala na yung statue, maging yung tinutuntungan niyang parisukat ay nawala rin. Ibig sabihin, hindi naglakad ang statue at umalis sa pwesto nito kundi may kumuha dahil kung naglakad ang statue at umalis, dapat, naiwan yung parisukat na tinutuntungan niya"

Tahimik lang kami ni Jamie...habang napapaisip

"Oo nga 'noh!", sagot ni Jamie na bilib na bilib.

Ang totoo, pati ako, bumibilib. Grabe sya oh! Ang galing.

Isa pa, medyo nawala yung kaba at takot ko. Ibig sabihin, kinuha lang yung statue at hindi yun gumagala para mambiktima!

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap, napansin naming nagsitakbuhan ang mga estudyante. Maging teachers naglakad palabas ng gate.

"Ano'ng meron?", takang-taka kong tanong. Siyempre pare-pareho kaming tatlo ng reaksyon. Eh pare-pareho kaming walang alam eh.

Sinubukan naming tanungin yung mga estudyanteng papunta doon pero hindi kami pinapansin.

Hanggang sa merong isang estudyanteng lumapit nang makita si Spence.

"Ano'ng nangyayari?", tanong ni Jamie pagkalapit nung isang lalaking estudyante na sa tingin ko ay grade 7.

"Y-yung Hellhound statue natagpuan na!"

"T-talaga?", gulat naming tanong ni Jamie habang hindi ko alam kung nakikinig lang si Spence o nag-iisip na rin!

"Tinangay ito ng dalawang lalaki gamit ang cargo truck yun nga lang, bumangga ito sa isang truck na nagdedeliver ng petrol kaya ayun sumabog. Sunog! Kawawa nga eh!"

"Hah???", gulat ulit naming tanong.

Sa huli, sumama kami sa estudyanteng nagbalita samin.

Medyo malayo na rin yung area kung saan ito ay sumabog kaya sumakay kami ng tricycle para pumunta roon.

(Spence's PoV)

Naapula na ng bombero ang apoy pagdating namin doon bagamat may mangilan-ngilan pang sunog. Hindi kami pwedeng lumapit dahil sobrang delikado. Posibleng pang sumabog ang mga natirang residue.  Siyempre, hindi ako exempted kaya lumapit na lang ako sa police na nasa may police line at nagtanong.

"Uhmmm...excuse me...ano'ng nangyari dito?"

Kwinento niya kung ano ang nangyari. Na nabangga nga pala talaga ito ng cargo truck. Binanggit din niyang ang laman ng cargo truck ay isang hellhound statue.

At napansin ko nga ang sunog na hellhound statue. Sunog na ito pero korteng hellhoud pa rin. Masiyadong matibay yung mga ginamit sa paggawa nito.

"Kilala niyo na ba kung sino yung driver?"

Siyempre, sunog yung mga taong andun!

"Sunog na yung driver kaya mahirap nang malaman kung sino siya. Iimbestigahan pa namin!"

"Kung maaari po sana, balitaan niyo ako agad!"

Pagkatapos ay lumayo ako roon.

Sumandal ako sa isang poste nang nakapamulsa.

Sino ang magtatangkang kumuha sa hellhound statue?

Hindi kaya yun din yung parehong cargo truck na nagdeliver sa statue na yun?

Bigla kong naalala yung sinabi ng Principal ng Torch Academy...

'Ang t-totoo niyan bago ka pa dumating, inalis na namin yung hellhound sa inyong paaralan!'

Kung ganoon! Torch ang kumuha sa statue. Kawawa naman yung nasabugan!

2:00 pm na nang makasagap ako ng balita tungkol sa naganap na aksidente.

Ang driver ng cargo truck at yung kasama niya ay parehong janitor ng Torch Academy. Confirmed, Torch ang nag-utos sa kanila.

Isang napakalaking tanong ngayon ng mga tao, bakit kinuha ng Torch Academy ang hellhound statue?

Andito pa rin ako sa malapit sa incident area.

"Naku, magnanakaw pala yang Torch na yan!", sambit ng isang usiserong estudyante ng Cornerstone.

"Dapat nga magpasalamat tayo at pinag-interesan nilang kunin yun eh. Kung hindi, siguradong nabubuhay pa rin sana tayo sa takot.", sagot naman ng kasama nito.

"HAHAHAHA! Insecure talaga yang Torch Academy na yan. Akalain mo, dahil swerte yung statue, pinagkainteresan. Sabi ko na kasi eh..swerte yun!", malakas na pagmamayabang ni Principal ng Cornerstone sa mga co-teachers niya. Sakto kasing napadaan sila sa harap ko. Yun nga lang,  hindi nila ako napansin!

Matapos ang 2 oras, nakatanggap ako ng notification sa aking cellphone. It's a news from the school.

Binasa ko ito.

Torch Academy, nagsalita na sa isyu ng pagnanakaw sa Hellhound statue!

Binasa ko ang content.

'Inamin ng Torch Academy na employee nila bilang janitor ang dalawang biktima sa pagsabog ng cargo truck na nakabangga sa petrol truck. Dahil dito, umusbong ang katanungang kung alam ba ng school ang ginawa nila. Sinabi nilang wala silang alam.'

May nakita rin akong video ng interview sa kanilang Principal

"Wala kaming alam diyan. Hindi porket employee sila ng  Torch ay may kinalaman na ang buong school. It's their hidden agenda. This is a school of integrity. Hindi namin hahayaan na masira ang pangalan ng school. If we only knew that they will do this, we should have stopped them. Now, masakit para samin ang nangyari. They're some of the most loyal and industrious workers in this school pero wala tayong magagawa. That's the consequence of their bad action. "

Ang lakas ng loob niyang sabihin 'to. He knows that I know the truth and I have evidences. Pero bakit ang lakas pa rin ng loob niyang magsinungaling in public?

Napapaisip ako! Ano'ng plano niya?

"W-WAAAAAAAGGGG!"

maya-maya pa ay nakita ko si Irish na sumisigaw at tumatakbo palapit sa'kin!

Nagulat ako sa ginawa niya...


at nakita ko ang isang lalaki sa taas ng puno may hawak na sniper.




Itutulak ko sana si Irish...








Ngunit huli na ang lahat.



Sinalo niya ang bala na dapat ay ako ang tatamaan.



"IRIIIIIIISSSHHHH!!!"





(Finally nakapag-update si Author. Thanks a lot sa mga nag-abang sa update ko!

Don't forget to vote and leave your comments.

I love you readers :) )

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now