Chapter 7 - Warning

3.7K 136 8
                                    

(Spencer's PoV)

Nakatayo ako sa labas, naka-cross arm habang pinagmamasdan si Sir Carlos na ipinapasok sa sasakyan.

"Nasa dugo mo nga ang pagiging detective!"

Napa-tingin ako sa tumabi sa akin.

"Irish!"

Ngumiti siya sa 'kin. 'Yung sweetest smile niya na nagpabilis ng tibok ng aking puso.

"Ang galing ah! Ang galing ng deductions mo."

"Huh? Ah eh..."

Heto na naman! Tuwing kinu-compliment niya ako, parang nahihiya ako at hindi ako makapagsalita ng diretso.

"Siyempre, d-dahil din sa tulong niyo!"

"Talaga?"

"Oo."

Nginitian ulit niya ako! Ang ngiting 'yan eh! Sapat na sa 'king reward.

Siyempre nginitian ko rin siya pero saglit lang! Pagkatapos nun, hindi na kami nag-imikan. Sabay na lang naming pinagmasdan ang kaganapan sa harap ng school, ang pag-alis ng police patrol.

--------

"Bakit hindi ako ang hinuli mo?"

Inaayos ko ang mga gamit ko sa basketball office nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Coach Leo!"

Nakatingin siya sa 'kin na takang-taka

"Bakit naman kita huhuliin? Hindi naman ikaw ang culprit!"

"P-pero 'yung--"

" 'Yung sulat?"

Tumango lang si Coach.

"Alam kong ikaw ang nagpapadala ng mga sulat. No'ng una nga akala ko, death threat pero hindi pala. It was a warning right? You were trying to save him. You don't have the courage to inform him because you know that he won't believe you lalo na't hindi kayo magkasundo kaya idinaan mo sa sulat! Kahit kasi hindi kayo magkasundo, you still love him as your sibling. 'Di po ba?"

"Naintindihan mo na ba kung bakit iba ang scent ng huling warning na ibinigay ko?"

"No'ng nag-uusap kayo ni Sir Carlos sa may hallway, doon ko nalaman ang nais mong ipahiwatig. Nilagyan mo ng pabango ang huling sulat, para bigyan siya ng clue kung sino ang nagmamanman sa kaniya. Hindi mo nilagyan ng pabango ang mga nauna dahil no'ng mga panahong iyon, hindi ka pa nakakaisip ng paraan kung paano mo siya bibigyan ng clue. Saka mo lang naisip sa pangatlong sulat."

"Tama ang lahat ng sinabi mo. Narinig ko kasi noon sa isang restaurant na nag-uusap si Miss Tess at Carlos. Pinipilit ni Carlos si Miss Tess na maging sila. Pagka-alis ni Tess may pahabol siyang sinabi,"handa akong burahin si Coach Anghelo para sayo". Ngunit hindi na narinig ni Tess ang mga katagang iyon kaya hindi rin niya alam."

Nagkaroon ng katahimikan pagkatapos ng sinabi niyang iyon. Pagkatapos ng ilang segundo, muli siyang nagsalita.

"Kung meron man akong sobrang pinagsisisihan, 'yon ay ang wala akong nagawa para sa kapatid ko. Nakuntento ako sa sulat lang. Hindi ko man lang nagawang ilapit sa pulis ang bagay na iyon. Natakot kasi ako na baka madamay ako. Ngayon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko!"

Punong puno ng pagsisisi ang boses niya. Mistulang iiyak na rin siya. Tunay ngang blood is thicker. Kahit madalas hindi sila magkasundo, hindi pa rin mawawala ang pagmamalasakit niya bilang kapatid. Nagkulang nga lang siya sa aksyon.

"Nasa huli po ang pagsisisi. Kahit ano pa ang gawin mo Coach, hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Wala ring mangyayari kung magmumukmok ka na lang at ikukulong mo ang sarili mo sa pagkakamali mo. Hindi rin matutuwa si Coach Anghelo sa bagay na 'yan. Patawarin mo ang sarili mo, ipagpatuloy mo lang ang buhay mo, at higit sa lahat, make Coach Anghelo proud of you. Ipagpatuloy mo ang nasimulan niya!"

Hindi ako makapaniwalang nasasabi ko ang mga salitang ito sa isang Coach, at 'di hamak na mas matanda sa akin.

"SPENCE ANDITO KA LANG PALA, KANINA PA KITA HINAHANAP!"

Napalingon kaming pareho ni coach sa may pinto kung saan nanggaling ang nagsalita at nakita namin doon si Inspector.

"Inaayos ko lang ang mga gamit ko Inspector."

"Aalis na kasi ako..." sagot ni inspector.

"...pero bago 'yan, meron muna akong gustong sabihin sa yo!" pagpapatuloy niya.

Sakto naayos ko na ang mga gamit ko. Tinignan ko si Coach Leo!

"Sige po, Coach!"

Naglakad ako papunta kay inspector. Pagkalampas ko kay Coach, may pahabol siyang sinabi.

"Nakikita ko sa iyo ang puso ng isang tunay na detective bata..."

Bata ba ang sinabi niya? Hindi na ako bata!

"...ipagpatuloy mo lang ang pagtulong sa mga tao na makamtan ang hustisya na sinisigaw nila. Malaki ang maiaambag mo sa pag-unlad ng ating bansa. Salamat dahil inilabas mo ang katotohanan!"

Lumingon ako sa kaniya. Ngumiti ako at sinaluduhan ko siya! Tumango lang naman si coach. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang positive side ng kapatid ni Coach Anghelo. Mabait din naman pala.

-----

"Nais kong pormal na magpasalamat sa paglutas mo sa kaso."

Andito kami ngayon ni inspector sa may gate at nag-uusap.

"Wala 'yon Inspector. Siyempre, hindi ko magagawa 'yun kung wala kayo. Kayo ni Irish, at ang buong kapulisan niyo."

Ngumiti si Inspector and he patted my back!

"See you when I see you, next great detective Spencer Quijano!"

Napakamot ako. Parang masyado naman 'yon. Isang kaso pa lang naman ang nalutas ko!

"Sinabi mo bang next great detective?"

Boses babae ang nagsalita. Matapang din ang pagkakasabi niya. Dalawang babae lang ang kilala kong ganyan, si Mama o si Irish. Si Irish, nasa SSC office pa 'yun, may inaasikaso!

"Ma!"

Tinignan ko si inspector, biglang nagsisi sa pagtawag niya sa 'kin as next great detective! Alam din kasi ni inspector na gusto ni mama na maging doctor ako at alam din niya na daughter of Martial Arts Master si Mama kaya naman, bukod sa pag-do-doctor, mahilig 'yan sa Martial Arts.

"B-binabawi k-ko na!" sising-sisi si Inspector.

"Mabuti't nagkakaintindihan tayo Inspector. Magiging mahusay na doctor si Spence!" seryosong sagot ni Mama.

Talagang may time pang magmayabang si Mama!

"Ano'ng ginagawa mo dito Ma?"

"Sinusundo ka. 5 pm na. Naisip ko kasi, what if mag-dinner tayo sa labas? Since wala naman ang Papa mo."

Ok fine!

"Sige na nga!"

Kahit tinatamad ako!

Nagpaalam ako kay Inspector saka kami umalis.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now