Chapter 10 - anger and plea

1.7K 64 5
                                    

(Spence's PoV)

Gusto kong puntahan yung bumaril kay Irish ngunit hindi ko na nagawa. Mas mahalaga ngayon ang buhay ni I!

Dumating ang ambulansya at agad siyang isinugod sa ospital.

Habang nakikita ko siyang duguan kung saan natamaan siya sa kanang bahagi ng kaniyang likuran, halos manghina ako. Hindi ko mapigilang mapaluha!

Ilang beses kong pinangako sa sarili ko na hinding-hindi ko pababayaan si I. Pinangako kong hindi ko siya hahayaang mapahamak pero heto siya ngayon, nag-aagaw buhay dahil sakin.

"Ano'ng ginawa mo?", tanong ni Jamie na sa tono ng pagsasalita niya, sinisisi niya ako sa nangyari!

Hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya na tila nagmamakaawa akong sana maintindihan niya ang mga nangyari.

Nang wala siyang mahintay na sagot, naglakad siya palayo ngunit bago yun, may sinabi muna siyang tagos hanggang kaluluwa ko.

"Ang laki ng tiwala ko sa'yo! Pero hindi mo naprotektahan ang kaibigan ko!"

Naiwan ako roon na hiyang-hiya sa sarili. Feeling ko wala akong silbi. Hindi ko nagawang protektahan si Irish! Wala akong nagawa. Siguro nga dahil talagang mahina ako.

Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang aking cellphone at tumatawag ang Lolo ni Irish!

"Inspector!", malumanay kong sambit.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa aking apo. Sinabi ni Jamie na ikaw ang nandoon bago siya mabaril! Hindi mo siya nagawang protektahan. Isa lang ang masasabi ko sa'yo Spence, hindi kita mapapatawad oras na may nangyaring masama sa kaniya."

Hindi ako nakaimik. Halatang nagpipigil sa galit si inspector. Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi! Kasalanan ko naman kasi talaga eh. Kasalanan ko 'to!

Hindi! Hindi ko hahayaan na ganito na lang. Kailangan kong pagbayarin kung sino man ang may gawa nito!

Sabagay, isa lang naman talaga ang may gawa nito eh! Ang Torch Academy.

Agad akong nagtungo sa school na yun!

Alam kong hindi ako papapasukin ng guard kaya dumaan ako sa bakod at agad akong tumungo sa office ng Principal.

Kumatok ako at pumasok sa kaniyang office. Nadatnan ko siya roon na may kausap sa phone at gulat na gulat siya nang makita niya ako. Agad niyang binaba ang kaniyang phone..

"Oh, ikaw na naman!? Pano ka nakapasok? Sinabihan ko ang mga guard na wag kang papasukin! Ano ang kailangan mo?"

Pagsasalita pa lang niya, nakakainsulto na. Mas lalo tuloy akong nainis.

Sa sobrang galit ko, agad ko siyang nilapitan at aking hinawakan ang kaniyang kwelyo!

"Akala mo hindi ko alam??? Alam kong kayo ang nagtangkang bumaril sakin. Sa kasamaang palad..bestfriend ko ang nabaril!"

Pinipilit kong wag sumigaw. Pinipilit kong pigilan ang galit ko. Pinipilit kong maging kalmado dahil ayokong mag-eskandalo sa school na to pero konting konti na lang, tatamaan na talaga 'to sakin. Matagal ko nang hindi nagamit ang martial arts skill ko. Pag hindi ako nakapagpigil, baka kung ano'ng magawa ko sa Principal na 'to!

"Pinagbibintangan mo ba ang Torch Academy?", galit niyang tanong.

Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. Medyo lumayo siya sakin pero isang bwelo na lang, tatamaan ko na talaga siya.

"Hindi kita pinagbibintangan! Tinuturo kita! Alam kong kagagawan mo yun", sabay turo ko sa kaniya.

"Asan ang yung ebidensya?"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now