Chapter 9 - Dismissed

861 34 0
                                    

(Spence's PoV)

Agad kong inalalayan si Irish. Bagamat ramdam ko ang pagkirot ng tiyan ko, hindi ko na yun ininda. Ang importante si Irish. Si Marcus naman, tinutulungan niya si Sherry.

"OMG, akala ko talaga katapusan ko na! Thank you Spence!", sambit ni Sherry.

Hindi ako umimik. Tumango lamang ako.

"Bakit mo ginawa yun?", tanong ni I

"Ang alin?", tanong ko bagamat alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.

"Bakit mo sila pinatakas?"

Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Sherry.

"Irish, ano ba namang klaseng tanong yan? Siyempre para sa kaligtasan natin."

Hindi umimik si Irish. Alam kong hinihintay niya ang sagot ko.

"Wala nang ibang paraan!"

Parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Paano pag tinanong ka ng mga pulis kung paano sila nakatakas?"

"Irish, wag mo munang alalahanin yan. Ako na'ng bahala. Ang importante ligtas ka--kayo!", sabay tingin ko kina Sherry at Marcus.

"Thank you pare!", sambit ni Marcus

Biglang may naalala si Sherry

"Pero pambihira ka Spence! Si Marcus ang pinili mong iligtas talaga?"

Napatingin ako kay Irish. At muli ay tinignan ko si Sherry.

"Hindi naman ganun yun. Mas pinili kong iligtas kayong lahat. A naman talaga ang tamang sagot dun eh!"

"Paano?"

"Hay naku kalimutan mo na yun! Ang importante, ligtas na tayo", sambit ko

"Ano'ng consequence nung action na ginawa mo?", tanong ni Marcus

Hindi ako agad nakasagot!

.

.

"First is....siyempre yung integrity ko at yung tiwala sakin ng mga pulis at ibang detective, masisira!"

"Ano!?", nabigla si Irish.

"Pero problema ko na yun. Wag niyo nang problemahin!"

"Pero siyempre involved kami dito kaya dapat lang na-----", pinutol ko ang sinasabi ni Irish

"I!", sambit ko at nagtama ang aming mga tingin.

"Hindi ko pinagsisisihan yun!"

.

.

"At pag nangyari yun na nawalan sila ng tiwala, eh di titigil ako sa pagiging investigator"

"Pero Spence----"

"Hoooh! Grabe talaga"

Biglang nagsalita si Sherry kaya hindi naituloy ni Irish ang  sasabihin niya.

"....grabe Marcus noh? Iba talaga ang nagagawa ng love"

"Huh?", pagtataka ni Marcus

Nakita kong siniko siya ni Sherry kaya naki-ride on na rin siya.

"Oo nga! Yung worry niya, yung takot niya, tagos hanggang buto...diba Sherry?"

Meron silang sariling conversation pero halatang nagpaparinig sila.

"Ang swerte ni Irish!", sambit pa ni Sherry.

Napansin ko ang pag-iba ng expression ng mukha ni Marcus.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now