Chapter 11 - Lunch and Trouble

3K 118 2
                                    

Pagpasok ko sa school, sinalubong agad ako ni Sherry!

"Spence my love! I'm so proud of you. Na-solve mo na ang mystery."

"Oo salamat sa tulong mo."

"At 'yung free lunch ko!" paniningil niya.

Oo nga pala! Nag-promise pala ako kay Sherry na ililibre ko siya ng lunch.

"So maniningil ka na?"

"Sana!"

"ok sige. Text text na lang."

"Talaga? Naku I'm so excited na!" tuwang-tuwa niyang sagot.

Halata nga!

"Sige basta text text na lang. May klase pa kasi ako so I got to go."

"You're so busy talaga!"

"Pasensya na! Siya nga pala, before I forget, maraming salamat ulit sa pagpayag mong maging assistant kita sa mystery na 'yun!"

"No problem ano ka ba! Basta ikaw my loves ko."

Nakakairita talaga 'yung pagtawag niya sa 'kin ng my loves pero hayaan ko na nga lang tutal malaki rin naman ang naitulong niya sa pag-solve sa mystery.

Pumasok na ako sa classroom. Todo greet ang mga kaklase ko sa 'kin ng good morning lalo na 'yung mga girls.

"Aba, talaga naman! Effective ang pagpapasikat mo ah!"

At hayan na naman ang pinaka-magaling mambasag ng trip sa buong mundo. Ladies and men, it's Jamie again. Ganyan talaga 'yan mag-express ng compliment!

"Eh pati nga ikaw bumibilib eh diba?"

"Excuse me! Of course not," pikong niyang sagot.

'Yun bang siya rin ang maaasar sa huli!

-------

"Goodbye, class!"

"Goodbye, ma'am!"

Hay salamat! Snack time na.

Nag-prepare na sa pag-labas ang mga ka-klase ko para mag-meryenda nang biglang mag-vibrate ang phone ko. It's Sherry!

"Hi Spence my Love! Sobrang excited na ako sa lunch date natin. That's why, I've decided na maglu-lunch na ako ngayon. Kaya kitakits sa Mang Inasal, now na! Actually andito na ako!"

Anoooo??? Grabe pala 'to kung ma-excite.

"Spence, kasama namin sina Jimson magme-meryenda. Sama ka?"  alok ni Irish.

At nagulat din ako sa sinabi ni Irish. Kaibigan din nila si Jimson?

"Jimson as in 'yung kaibigan ko na teammate ko sa basketball?" pagtataka ko.

Hindi kasi talaga ako makapaniwala.

"Oo!"

"Bakit niyo naman siya kasamang magmi-meryenda?"

"Eh actually kasi..." singit ni Jamie.

Hindi tinuloy ni Jamie ang sasabihin niya. Looking at her, iba 'yung ngiti niya, blooming din siya. Isama mo pa diyan ang pag-aayos ng buhok niya. Mukhang alam ko na.

"Nililigawan ka niya?"

"Bakit? Bawal ba?"

"Hindi naman! Eh bakit kasama si Irish?"

"Hindi naman kasi kami magdi-date! Meryenda lang. So walang masama kung kasama si Irish!"

So ibig niyang sabihin, ang date pang-dalawang tao lang? Naalala ko tuloy si Sherry. Dalawa lang kaming magkasama mamaya.

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon