Chapter 4 - The Challenge

807 32 2
                                    

(Spence's PoV)

Nakarating ako sa ibinigay na lugar ng kidnapper. Isang abandoned garage. Hindi naman malayo ang kinaroroonan nito mula downtown pero medyo tago kaya hindi mo agad maiisip na dito sila dinala.

Lumabas ako sa sasakyan. Pinagmasdan ko ang paligid. Tabi lang siya sa kalsada pero hindi kasi ito highway. Medyo papasok pa siya at natatakpan ang location ng mga puno. Pinagmasdan ko ang building. Isang floor lang siya pero mataas at maluwang din. Eto ata yung kilalang buying palay dati.

Kailangan ko nang harapin ang dapat harapin.

Nakasara ang garage ngunit hindi ito naka-lock kaya madali akong nakapasok.

Madilim ang paligid maliban ang isang sulok na naiilawan.

Lumapit ako dito. Halos manghina ako nang makita ko sina Marcus, Sherry, at Irish. This time hindi na sila nakabitin ngunit nakatayo sila sa may mataas na parte ng garage. Nakatali pa rin ang kanilang kamay sa bakal sa kanilang tabi maging ang kanilang mga bibig ay may takip upang hindi sila makasigaw.

Sa baba, ay may malalaking mga drum doon na may lamang tubig at umuusok. Mukhang alam ko na kung bakit.

Napatingin silang tatlo sakin. Si Marcus, nakatingin lang plainly. Si Sherry, ang mga mata niya ay tila nangungusap na iligtas ko sila. At si Irish, nakatingin siya sa akin na parang meron siyang gustong sabihin pero hindi ko mawari kung ano ito.

Nagmadali akong umakyat sa kinaroroonan nila upang iligtas sila.

"Hep!"

Napatigil ako nang biglang may magsalita mula sa gilid.

At nakita ko ang isang lalaki. Hindi naman katangkaran, may balbas siya, katamtaman lang ang katawan niya, at naka-salamin. Ang kaniyang suot ay t-shirt at denim short. I think nasa late 20 siya or early 30.

Kapansin-pansin ang hawak niyang Ipad.

"Siyempre hindi pwedeng basta-basta mo na lang silang pakakawalan!", mapang-asar niyang sambit

"Ano pa ba'ng kailangan mo? Nandito na ako! Pakawalan mo na sila!"

"Sa tingin mo talaga...ganun lang kadali yun?", nag-smirk pa siya.

Pinagmasdan ko ang paligid. Marami pala siyang kasama. May tatlong nakapaligid sa akin at yung isa, nakita kong umakyat at nagpunta kina Irish.

Never ko pang nakita ang lalaking 'to. Pero kung magsalita parang dati na niya akong kakilala. Parang ang laki ng atraso ko sa kaniya.

"Ano ba'ng kasalanan ko sa 'yo?", at napatingin ako kina Irish at muli akong nagsalita

"..namin?"

Nag-smirk ulit siya.

"Malaki! At gusto kong pagsisihan mo yun! At hindi ko sasabihin kung ano'ng naging kasalanan mo. Mamatay ka sa kakatanong!", sagot niya at binigyan niya ako ng nanlilisik na tingin.

Hindi ako umimik.

"Gusto kong pagsisihan mo ang desisyon na ginawa mo!"

"Anong desisyon?"

Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya sa kaniyang sinasabi.

"Gusto kong maranasan mo kung paano mabuhay nang binabagabag ng kaniyang konsensya!"

Napakunot-noo ako sa mga sinasabi niya.

"Diba detective ka? Pwes, simulan mo nang pagsisihan na naituring kang detective dahil ngayon, ikaw ang magiging dahilan ng pagkamatay ng isa o dalawa sa kanila!"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now