Chapter 9 - I vs. Maia

849 38 2
                                    

(Irish's PoV)

Narinig ko ang pulis na paparating. Hay...buti naman!

Nakita kong umurong si Goon 2. Sinubukan nilang tumakas ngunit magkabilang tumigil ang sasakyan ng pulis kaya conrnered sila.

Wala silang nagawa kundi sumuko. Hinuli sila at agad na dinala sa sasakyan.

Samantala...akala ko matutuwa na ako dahil dumating na ang mga tutulong kaso.....

Nang makita ko si Spence, nanlambot ang mga tuhod ko.

S-si Spence, nakahiga. W-wala siyang malay.

Nakita ko ang tulo ng mga dugo. Hindi ko maintindihan. A-anong nangyari?

Pakiramdam ko, anytime, titigil sa pagtibok ang puso ko. Para akong aatakihin.

"Spence!!!?????", at hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko.

Narinig kong may tumawag na ng ambulansya.

Napaluhod ako nang lapitan ko siya.

"Spence Quijanooooooo!?"

Habang tumutulo ang luha ko, may narinig akong isa pang boses ng babae mula sa likuran ko. Ramdam kong papalapit siya.

Bigla niya akong tinulak at siya yung pumalit sa pwesto ko.

Napatigil ako sa gulat at napatanong ako sa sarili ko....sino siya???

"Spence ano'ng nangyari sayo?"

Tumayo na lang ako habang pinupunas ang luha kong patuloy pa rin sa pagtulo.

Patuloy lang siya sa pag-iyak. Ba't sino ba 'to?

Nilapitan ako ni Lolo.

"Apo, pasensya na kung medyo natagalan kami! Ok ka lang? Nasaktan ka ba?", pag-aalala ni Lolo

Pinilit kong magpigil ng luha.

"S-si Spence po!"

"Tumawag na kami ng ambulansya. Magiging ok siya!", sambit niya para pagaanin ang loob ko pero alam kong maging siya nag-aalala

Maya-maya pa ay dumating si Detective Benjamin at si tita.

At dumating na rin ang ambulansya.

Nilagay si Spence sa stretcher para dalhin sa ospital.

Iyak ng iyak si Tita habang inaalalayan siya ni Detective.

"Sabi ko na kasi eh! May hindi magandang nangyari.", sambit niya habang patuloy sa pag-iyak.

Nilapitan ko sina tita.

"Tita sorry po!", sambit ko sabay punas sa luha ko.

Kinausap lang niya si Tito. Parang hindi niya ako nakita.

"Ako ang gagamot sa anak ko! Kailangan makarating tayo agad sa ospital!", sambit niya habang umiiyak

Nagmadali siya sa sasakyan habang sinundan naman siya ni tito.

Ako? Naiwan dun sa pwesto nila. Bukod sa nararamdaman kong lungkot at sakit sa nangyari kay Spence, nadagdagan pa nung hindi ako pansinin ni tita. Para akong sinampal. Galit siya sakin?

"May sasama po ba sa ambulansya?"

Napalingon ako nang magtanong ang medics.

"Ak----", kaso hindi ko naituloy dahil may nauna sakin.

"Ako na lang. Tutal ako ang kaibigan niya dito!", pagpresenta nung babaeng dumating na tumulak sa kin kanina.

Pagkatapos ay dali-dali siyang sumakay sa ambulansya.

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon