Chapter 10 - Free Dinner

3K 127 4
                                    

Pumasok kami ni Irish sa bahay at dumiretso sa kusina. Ang eksena, nagtatalo na naman sila!

"Ang tanda tanda mo na hindi ka pa marunong magluto!" reklamo ni Mama.

"Ba't ba kasi hindi na lang tayo kumuha ng katulong eh afford naman natin!" depensa ni Papa.

Hiniwa ni Papa 'yung patatas!

"Hindi ganyan!" inis na sambit ni Mama.

"Eh paano ba?"

"Masyado namang maliit 'yang pagkakahiwa ng patatas. Ganito oh!"

Ipinakita ni Mama kung paano nga ba ang tamang hiwa ng patatas.

"Pambihira, patatas pa rin naman 'yan kahit anong hiwa!"

"Diba detective ka?"

"Ano naman ngayon kung detective ako!"

Buti na lang sanay na rin si Irish sa kanila, bata pa kami ganyan na talaga sila.

Pabulong akong kinausap ni Irish!

"Ganyan pa rin pala sila hanggang ngayon!"

"Oo nga eh! Minsan nakakasawa."

"Ang cute nga eh! Kahit lagi silang nag-aaway, nagkakabati pa rin sila sa huli!"

Napatingin ako sa kaniya. Abala lamang siya sa panonood kina Mama at Papa.

Agad kong inilipat ang aking tingin nang bigla siyang mapatingin sa 'kin!

"Pero kahit pa-pa'no, masayang masaya ako dahil sila ang naging parents ko," sambit ko upang kunwari ay abala rin ako sa panonood sa kanila.

Mukhang busy talaga sina Mama oh!Hindi talaga nila napansin na andito na kami.

Samantala, napatingin ako kay Irish na noon ay pinagmamasdan pa rin niya sina Mama at Papa. Napansin kong napalitan ng lungkot ang mga mata niya.

"Magpapahangin lang ako sa labas!"

Sinundan ko siya ng tingin habang napapa-isip kung okay lang ba talaga siya.

(Irish's PoV)

Pagkalabas na pagkalabas ko, pinakawalan ko na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sabihin niyo nang ma-drama ako. Hindi ko lang kasi talaga mapigilang mapaiyak. Habang tinitignan ko kanina ang parents ni Spence, naalala ko ang Mama at Papa ko. Hindi sila nag-aaway noon. Nagtatalo sila pero sobrang bihira lang at nagkakabati rin sila agad. Lagi silang masaya, laging nagkakaintindihan. Ang saya saya noon ng pamilya namin. Hindi ko nga inakala na magkakahiwalay sila.

Habang naaalala ko sina Mama at Papa, mas lalo akong naiyak!

Minsan nga naiinggit ako kay Spence. Laging nagtatalo ang Mama at Papa niya pero ang saya pa rin ng pamilya nila. Buo pa rin!

Pinunas ko ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko pero patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko! Nakakainis naman.

(Spence's PoV)

Sinundan ko si Irish dahil nag-aalala ako. Nagulat ako sa nakita ko.

...umiiyak si Irish! Naka-sideview siya sa'kin kaya alam kong umiiyak siya. Nakikita ko kung gaano siya kalungkot at nasasaktan ngayon! Hindi ko alam pero tuwing nakikita ko siyang malungkot o umiiyak, doble 'yung lungkot na nararamdaman ko. Ayokong nakikita siyang ganyan. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. I want to comfort her.

Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa pero wala akong lakas ng loob na lapitan siya. Ewan ko ba kung bakit ganito! Tuwing iha-hakbang ko ang mga paa ko palapit sa kaniya, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

CLUE DETECTIVEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora