Mystery Case #8 - The Run Away

1.7K 49 2
                                    

Prologue:

Pinarada ni Marcus ang kaniyang sasakyan sa parking area ng isang sikat na mall sa kanilang lugar.

Pinagmasdan niya ang kaniyang paligid. Pagkatapos ay kaniyang sinuot ang kaniyang shades.

Bumaba siya ng sasakyan upang tumambay sa mall.

Sa di kalayuan, napasulyap siya sa isang babaeng pamilyar sa kaniya. May kausap ito sa phone at halatang inis na inis.

"Babae ako tapos paghihintayin mo ako? Ang kapal!"

Napangisi siya nang mapansin niya kung sino ang babaeng yun!

Nilapitan niya ito!

"Nagbago na ang isip ko. Hindi na ako makikipagkita sayo!", sabay baba ng phone

Napatingin si Marcus sa kaniyang relo.

"Ang aga-aga ang init ng ulo", sambit niya.

Napatigil si Sherry at napalingon sa nagsalita

"Wala kang pakialam!", sambit nito at kaniyang nilampasan si Marcus

"Ba't ba kasi ang taray mo?"

Humarap si Sherry kay Marcus. Taray mode ang kaniyang peg!

"Ba't ka ba kasi nakikialam?", tanong niya

Tinanggal ni Marcus ang kaniyang shades!

Halata namang medyo napatigil ang mundo ni Sherry nang makita ang mga mata ni Marcus na tila nangungusap!

Hindi maitatago na na-mesmerize siya kay Marcus ngunit pinilit niyang labanan ito!

"Ok ka lang?", tanong ni Marcus

Napalunok si Sherry!

"S-siyempre..okay lang ako"

Agad siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

Wala siyang ibang naiisip ngayon kundi ang Marcus na nakita niya bago siya tumalikod.

Hindi niya namalayan na nasa gitna na pala siya ng dinadaanan ng mga sasakyang magpaparada.

Saktong mayroong rumaragasang Van ang paparating.

"Sherry!", sambit ni Marcus nang makita nito ang van.

Medyo malayo pa naman ang Van ngunit delikado lalo na't iba ang takbo nito.

"SHERRY!", medyo malakas niyang sabi.

Tila hindi naririnig ni Sherry.

Nang medyo malapit na ang Van, tumakbo na siya at kaniyang tinulak si Sherry. Naitulak naman niya ito. Natumba sila pareho!

Napapikit si Marcus at pinagpawisan nang maisip niyang masasagasaan ang kaniyang paa.

At dumaan na nga ang van!

Matapos ang ilang segundong pagdaan, wala naman siyang naramdaman kaya minulat niya ang kaniyang mata. Napahinga siya ng maluwag nang mapansin niyang hindi ito natamaan.

Tumayo siya at tinignan ang van na dumiretso sa exit.

"Loko yun ah!", sambit niya

"S-salamat"

Napatingin si Marcus kay Sherry na noon ay nakatayo na at nasa tabi niya.

"Ginawa ko lang ang dapat"

"Dapat lang! Dahil...", palaban na sagot ni Sherry ngunit  natigilan siya nang maisip niyang hindi na dapat niya sabihin yun

"Dahil?"

Ngumiti ng pilit si Sherry

"W-wala! Salamat sa pagliligtas mo"

"Wala yun! Sa susunod, mag-iingat ka"

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi kumontra si Sherry. Tumango lang siya habang nakangiti!

"So...kung hindi ka na makikipagkita sa kausap mo kanina sa phone...", pagsisimula ni Marcus

Hinintay naman ni Sherry ang karugtong ng sinasabi ni Marcus

"Siguro, wala namang masama kung kikilalanin natin ang isa't isa!"

Napaisip si Sherry! Naalala niya yung mga panahong inaaway niya si Marcus, kinokontra. Kahit kailan, hindi niya naisip na okay naman pala siya. Dahil dun, na-konsensya siya..kaya naman...

"Sure! Gusto rin kitang......", medyo nahiya siyang banggitin ito

"....makilala!"

Ngumiti si Marcus.

"Let's go!", sambit ni Marcus

Pinauna niya sa paglalakad si Sherry.

Nakakailang hakbang pa lang sila nang biglang may humawak kay Marcus.

Nauuna si Sherry sa paglalakad kaya hindi niya agad ito napansin.

Nang hindi na niya maramdaman ang mga yapak ni Marcus, napalingon na ito.

Doon, nakita niyang wala nang malay si Marcus habang buhat siya ng tatlong kalalakihang nakatalukbong.

Agad siyang nagtago sa isang sasakyan doon.

Gusto niyang tumulong, gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa! Tila wala siyang lakas na gawin ang mga ito.

Malakas ang kabog ng dibdib niya sa takot at kaba. Hindi rin niya alam ang kaniyang gagawin. Hanggang sa umalis ang mga dumukot sa kaniya.

Maya-maya pa ay nanghina na lang ang tuhod niya at napaupo!

Halo-halong konsensya, takot, kaba ang kaniyang naramdaman dahil wala siyang nagawa para tulungan si Marcus.

Hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili, pumatak ang kaniyang mga luha na sa mga sandaling iyon ay yun lamang ang kaya niyang gawin!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now