Chapter 6 - That Night

1.1K 49 0
                                    

(Spence's PoV)

Pagkakuha ko sa phone ko, agad akong bumaba para bumalik kina Irish

"San ka na naman pupunta?"

Natigilan ako nang magsalita si Mama.

Lumingon ako sa kaniya na nanonood sa living room

"Uhmm..dun lng Ma! May sasabihin lang ako kay Irish"

Nakatingin lang si Mama na tila nagsususpetsa

"Hmmm..umamin ka nga! Magtatapat ka no?"

"Ma!", protesta ko sa kaniya

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"Sus anak I know you"

"Well you don't Ma!"

Makaalis na nga.

(Irish's PoV)

"Pero alam mo, naaalala ko talaga si Juan."

Napalingon ako kay Jonas nang bigla siyang magsalita.

"Ha?"

"Si Juan naalala ko!"

Napakunot-noo ako sa sinabi niya..

"Uhmmm..ba-bakit si Juan?", pag-aalangan kong tanong.

Ang weird! Bigla siyang may sasabihing pangalan.

"Kasi, nahulog yung phone niya mula sa rooftop!", sagot niya nang seryoso

"Tapos?"

"Ayun, imbes na malungkot o mamroblema, natuwa pa!"

Weird talaga!

"Ha? Eh bakit naman siya natuwa? Diba nahulog yung phone niya mula rooftop?"

"Oo! Yun na nga eh. Ako rin nagtaka kung bakit ang saya pa niya"

Hinintay ko lang ang mga sasabihin niya.

"Ayun, tinanong ko siya kung bakit!"

"Ano'ng sabi?", seryoso kong tanong

"Kaya daw siya masaya kasi buti na lang daw naka-airplane mode yung selpon niya...hahahaha!"

Napalunok ako habang nagpipigil sa tawa. Lakas naman ng tama ni Juan.

"Uhmmm...s-sino pala si Juan?", tanong ko habang nakangiti

At bigla siyang natigilan

"Seryoso? Tinatanong mo kung sino si Juan?"

Hindi ko na alam kung ano'ng isasagot ko.

Napa-buntong-hininga siya

"Actually joke kasi yun. Si Juan, siya ang  madalas na character kasi sa joke."

Nakatingin lang ako sa kaniya.

Feeling ko nagba-blush na ako sa kahihiyan.

Ako lang ba? Ako lang ba ang hindi naka-gets na joke yun at hindi nangyari sa totoong buhay?

Sana bahay na namin. Gusto ko nang bumaba.

"May isa pa akong joke!"

"Ha!?"

Nabigla talaga ako. Baka hindi ko na naman ma-gets!

"Ah sige ganito na lang. Alam mo ba kung ano'ng sinabi ni zero kay eight?"

Napaisip ako.

..

..

..

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now