Chapter 5 - Insomnia

1.6K 63 0
                                    

(Irish's PoV)

Friday na bukaaaaaaas!

Dito sa aking kwarto, hindi na ako mapakali!

Halo-halo ang aking nararamdaman. Excited ako na kinakabahan na....hay ewan!

Masaya talaga ako na lalabas kami na kaming dalawa tapos this time kasi iba yung pag-iinvite niya sakin. May halong sincerity. Noon kasi pag nagyayaya siya..bigla na lang siyang susulpot tapos may mga linya pa siyang nakakainis. Pero this time iba ang pakiramdam ko eh..

Lumakas ang tibok ng puso ko!

Tinapat ko ang aking kamay sa bandang puso ko at pinagsabihan ito nang may mahinang boses.

"Ok...tomorrow is the day. Tumibok ka na ng malakas ngayon pero wag na wag kang eeksena bukas ah. Wag na wag mong ipapahalata na may gusto ka sa bestfriend mo ah! Wag mo akong ipapahiya."

Huminga ako ng malalim!

Riiiiiiing!

"Ay pahiya!", samnit ko sa gulat at halos mapatalon pa ako.

Napatingin ako sa tumatawag and it's Spence..

Ewan ko pero bigla akong napangiti.

Feeling ko nagbblush ako!

Inayos ko ang sarili ko kahit di niya ako nakikita at sinagot ko ang phone

"Hello..Spence!"

"H-hi!"

"B-bakit?", tanong ko sa kaniya

"Uhmm...wag mong kalimutan bukas ah. 9 am kita susunduin sa bahay niyo!"

"N-nine am?", protesta ko sa kaniya

"Ah..m-masyado bang maaga? Pwede naman nating i-adjust kung ano'ng oras ang gusto mo"

"Nine am..masyado nang late yun. Dapat seven ganun magkasama na tayo!", medyo panic kong sagot..

pero napanganga na lang ako nang marealize ko ang sinabi ko..

Oh no I...bakit mo nasabi yan?

"tama ba yung narinig ko I?"

"Huh??", sagot ko na lang. Hindi ko alam ang sasabihin ko

"Gusto mong 7 am pa lang, dapat magkasama na tayo?"

"Hahahaha!", pilit kong tawa

"7 am ba'ng nasabi ko?", palusot kong tanong

"Hahahaha...nagkamali ako ng nabanggit. I'm really sorry. What I mean is, dapat eleven am tayo magkita. See? Medyo hawig kasi..seven, eleven diba?"

Hindi pinansin ni Spence ang bagay na yun

"Ok so Eleven am..mas okay pala yun para diretso lunch na"

"O-oo! Tama ka..kaya gusto ko, eleven am!"

"Oh sige..kitakitz bukas"

At binaba na niya ang phone.

Napabuntong-hininga ako.

Hoooh! Muntik na ako dun ah.

Medyo pinagpawisan pa ako sa kaba. Kahit gusto ko talaga si Spence, wala akong balak magpahalata sa kaniya. Nakakahiya kaya. Baka isipin niya kaya ko siya kinaibigan dahil may lihim na pagtingin ako sa kaniya.
Tsaka isa pa, hindi naman ako siguradong gusto rin niya ako. Baka mamaya nalaman niya ang feelings ko tapos hindi pala niya ako gusto eh di nakakahiya ako

Pagkatapos ay muli akong napaisip..

Umubra kaya yung palusot ko kanina? Nung wala akong prenong nagsalita sa 7 am na yan tapos sinabi kong eleven am bilang palusot? I mean, Detective siya..kayang-kaya niyang i-assess ang mga statements kung allibi yun o hindi!

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon