Chapter 1 - Doctor's Son

1.9K 64 6
                                    

(Spence's PoV)

1 day after magising si Irish.

Patuloy na bumubuti ang pakiramdam niya, dahilan para matuwa ako.

Naglalakad ako ngayon papuntang ospital. May dala rin akong pagkain. Isa na rito ay ang kaniyang agahan na sopas.

Pagpasok ko sa room niya, para siyang anghel na natutulog. Ang amo ng mukha niya.

Si inspector naman, naghahanda na para umalis. May trabaho pa kasi siya. Kaya ang lagay, ako ang nagbabantay kay Irish tuwing umaga at si inspector naman tuwing hapon at gabi.

Hinawakan ni Inspector ang aking balikat.

"Ikaw na muna'ng bahala sa kaniya Spence. Laking pasalamat ko dahil andiyan ka!"

Ngumiti lang ako kay Inspector

"Wag po kayong mag-alala. Hindi ko po siya pababayaan!"

Tumango si inspector. Pagkatapos ay naglakad na siya paalis.

Napatingin ako sa aking relo. 7:00 am.

Ipinatong ko ang aking mga dala sa mesa at naupo sa may sofa.

Maya-maya pa ay nakita kong gising na si I kaya agad ko siyang nilapitan

"Good morning I!", masaya kong bati sa kaniya

Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya sakin.

"Si Lolo?"

"Umalis na siya. Kakaalis lang!"

"Gusto ko nang umuwi!"

"I'm baaaaack!", masayang bungad ni Jamie, dahilan para mapatingin kami sa kaniya.

"Jamie!", sambit ni Irish

"Ano Irish? Ayos ka lang ba? Sabihin mo lang kung inaaway ka nitong Spence na 'to at ako na ang reresbak para sayo!", palaban na sambit ni Jamie

"Napaka-hyper mo! Ikaw lang naman ang mahilig mang-away dito eh!", sagot ko sa kaniya..

Kaya ayun, napikon na naman!

Maya-maya pa ay napansin ko ang mga dala ni Jamie

"Look Irish! I brought you foods para hindi ka gutumin dito!",pagmamalaki ni Jamie

I checked the foods. Andami. Una siyempre obviously yung pizza, meron ding burger, ice cream, palabok!

"Ba't tong mga 'to? Ba't andami?", tanong ko sa kaniya

"Oo..para hindi gutumin si Irish."

"Thank you Jamie..kaso sa ngayon, gusto ko nang umuwi!"

Napatingin kaming pareho ni Jamie kay I.

"Don't worry I. Uubusin na lang yung dextrose and after that you can go home!", sagot ko sa kaniya.

Napatingin si I sa dextrose. Kalahati pa ang laman.

"Wow.....doctor na doctor ang dating!", sambit ni Jamie..

I don't know if it's a compliment or sarcasm.

"Halatang anak ng doctor!", nakangiting sagot ni Irish.

Hindi na lang ako nakaimik. Pero deep inside I'm glad dahil kahit papano, nakakasabay na si Irish sa usapan.

"And one more thing...hindi pwedeng kainin ni Irish 'tong mga dala mo!", pagbabawal ko sa kaniya

Tinignan niya ako na halatang hindi siya sang-ayon

"Eh diba nga..bawal pa kasi nag-aadjust pa lang ang tiyan niya. Diba nasabi ko na sa yo kahapon? Ang kulit mo talaga!"

"Grabe ka naman!"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now