Chapter 7 - Statements

2.7K 101 15
                                    

(Spence's PoV)

Umalis ang forensic nang masabi niya ang information tungkol sa lason.

Napatigil kaming lahat at natahimik. Sa tingin ko, lahat kami napaisip.

Si Inspector Jorge ay busy sa kaniyang Ipad.

Dalawang tanong na agad ang nasagot. Ano'ng lumason sa kaniya at saan nilagay ang lason!

Kung nasa red wine ang lason, isang malaking tanong na dapat masagot ay ang kung paano nailagay ang lason at kung sino ang naglagay nito?

Nag-isip akong mabuti..kung ako ang culprit, paano ko masisigurong yung baso ng wine na yun ang kukunin ni Mr. Rod?

Napakalaking tanong!

"Sa aking pananaliksik,"

Napatingin kaming lahat kay Inspector Jorge na busy sa kaniyang Ipad.

"....ngayong malinaw na nasa wine ang lason, kailangan nating magconduct ng interrogation sa mga taong posibleng nasa likod nito"

"Sinasabi mo bang may suspek ka na inspector?", tanong ni detective Tor

"hmmm...hindi naman! Ang sinasabi ko lang, kailangan natin ng further information tungkol sa red wine", sagot ni inspector Jorge

"Kung ganoon, kailangan nating makausap ang mga in-charge sa kitchen lalo na ang waiter na nag-offer sa kaniya ng wine", sambit ni inspector Alvarez

"Tama ka diyan!", pagsang-ayon ni inspector Jorge

"Kami na ni Tor ang mangangalap ng impormasyon sa mga posibleng may gawa ng panlalason", pag-presenta ni Detective Gilbert

Bright Idea!

"Huh? Ah...eh...s-sige na nga"

Halatang napipilitan.

"Ok! Pero sino naman sa tingin mo ang suspects?", tanong ni Detective Herald

"Sino pa? Hindi pwedeng mawala diyan ang Presidente ng Hotel Park!", sagot ni Detective Gilbert

"Hindi kaya masyadong maaga para mainvolve siyang suspect?", duda ni inspector Alvarez

"Siguro nga pero siya ang rival ni Mr. Rod!", pagpupumilit ni Detective Gilbert

"Kung ako si President Richard, hindi ko siya lalasunin sa mismong party ko! Dahil mahahalata", sambit ko

"Kung ikaw! Pero magkaiba kayo ng pag-iisip ni President. Tandaan mo, makapangyarihan siya. Magagawa niya ang gusto niyang gawin, at pwede niyang i-twist ang mga nangyari. Mayaman siya eh..kayang gawin ng pera ang lahat!", paliwanag ni detective Gilbert

Kung ako si Inspector, hindi ko ico-consider ang explanation ni Detective Gilbert.

_____

Sa huli,, nagresearch sina Detective Gilbert at Tor. Kami namang apat na natira, in-interrogate ang mga posibleng may kinalaman ---- ang mga nasa kusina at waiters.

Nagtungo kami sa kabilang hall kung saan sila matatagpuan.

Nakita kong napatayo si Irish nang makita niya kaming pumasok. Samantala, ang iba naman, napatigil. Halata namang kinabahan ang mga nagkukumpulan na nag-wo-work sa kitchen. Agad kaming dumiretso sa pwesto nila.

"Sabi ko na kasi eh..tayo ang ituturong may kasalanan sa nangyari!"

Isang waiter ang nagsalita na tila ba naiinis bad trip.

"Nandito lang kami para sa ilang mga katanungan!", pagsisimula ni inspector Alvarez

Nagpalingon-lingon si Inspector Jorge sa paligid. Napansin niyang maraming tao at nakatingin sa direksyon namin.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now