Chapter 3 - Suspicion

2K 65 2
                                    

(Spence's PoV)

"Uhmm, I want something romantic!", sagot ko kay Jamie sa tanong niya kung ano'ng gusto ko on Friday night!

Kausap ko ngayon si Jamie sa phone. May pinag-uusapa kaming sobrang importanteng bagay.

"Ok! So any specific set up?", tanong niya

"Fireworks display?"

"I like that!", excited niyang sagot

"....pero masyado nang common yan! Nagawa na yan ni Xander kay Agnes sa Forevermore. Tapos, binalak rin ni Gian Carlo sa Dolce Amore!", bigla din niyang bawi

"Eh sa fiction lang naman sila. Hindi sa totoong buhay", sagot ko sa kaniya.

"Fiction ka rin naman ah! Nilikha ka lang ni Ms. Author!", sagot niya.

Aba...personalan!

"Eh fiction ka rin naman ah!"

At hindi na siya umimik. Bagkus ay nagsuggest na lang siya ng iba.

"Siya nga pala, balita ko, magkakaroon ng meteor shower on Friday night! What if yun na lang ang surprise mo? Mahilig kaya siya sa ganun!"

Napaisip ako ng konti..

"Eh pano kung walang meteor shower?"

"Meron yun! For sure, it will be a special night", sagot niya.

Ngumiti lang ako!

"So meteor shower on Friday night!", pagkukumpirma niya.

Nagkaroon lang ng konting katahimikan

Napasulyap ako sa kaniya na noon ay busy sa kaniyang cellphone. Agad kong binaling ang tingin ko sa iba nang mapatingin siya sakin

"Ayokong maglihim sa kaniya dahil masyado na akong maraming atraso  pero..."

Napabuntong hininga ako

"Pero ano?", tanong niya

"Pero kailangan eh. Para sa kaniya din naman 'to!"

"Buong buhay ko, ngayon ko lang gagawin 'to sa kaniya. Pero sige,...kakayanin kong ilihim 'to para sayo. Just make  sure this will work!"

"Oo na. Ako'ng bahala. Hindi ko naman hahayaang mapahamak ka dahil lang dito at isa pa, si Irish yun. Maiintindihan din niya sa huli!"

"Ang oa nating mag-isip no?"

Napangiti lang ako!

"Thank you in advance Jamie!"

At binaba ko na ang phone.

Humarap ako kay Irish at saktong nakatingin siya sakin.

"S-sino yung kausap mo?"

"Huh?"

"Yung kausap mo? At ba't parang kabado ka?"

"Wala!"

"So sino yung kausap mo?", malumanay niyang tanong

"S-si..."

"Si?"

"Y-yung kaibigan ko!"

"Sino nga?"

"Basta yun!"

"Ba't parang nahihirapan kang sumagot ngayon sa tanong ko?"

"Hindi ah! Nakakapanibago lang..k-kasi, ngayon mo lang ako sobrang kinulit tungkol sa kung sino'ng tumawag sakin!", pinilit kong maging relax

Ngumiti siya

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now