Chapter 6 - dJn

2.9K 124 4
                                    

Pagdating ko sa room, wala pa 'yung math teacher namin. 'Yung mga ka-klase ko may kaniya-kaniyang trip. Merong nagkukwentuhan ng mystery, meron namang nag-aasaran.

"Oo, tapos 'yung hotel na pinuntahan namin, grabe made of gold," manghang-manghang kwento ni Jamie.

"T-talaga? Wow, ang sosyal naman!" bilib na bilib namang sagot ni Irish.

Meron ding nagku-kwentuhan ng experience nila sa buhay. Si Jamie at Irish talaga, oo!

Sa wall sa tabi ng pinto, sumandal ako at pinagmasdan ko ang mga kaklase ko. May mga kaniya-kaniya silang ginagawa pero hindi maitatago sa kanila ang pag-aalala na pagsapit ng umaga, maaari na namang may mawalan ng ballpen. Sa katunayan, may mga kumakalat na balita na sa Biyernes daw, 'pag hindi natuklasan kung sino ang gumagawa no'n may mangyayari raw na hindi maganda.

Pwedeng totoo 'yun, pwede ring hindi kaya naman kailangan ko na talagang alamin kung sino para mas sigurado.

Napa-isip ako. Isa pa lang ang sigurado ako tungkol sa tapng 'yun. Kilala ko siya kaya siya naka-voice changer at sigurado ring kilala niya ako.

Inalala ko ang pag-uusap namin nung misteryosong dahilan ng pagkawala ng mga ballpen sa cellphone ni Irish.

Hmmm, 'yun lang ang pagkakataon na nag-usap kami kaya kung meron man akong pwedeng kuhanan ng detalye tungkol sa kaniya, malaki ang maitutulong ng pag-uusap namin. Pero asan ang clue do'n?

[Flashback]

"Hello?"

"S-Spence?"

"Yes it's me! So ikaw pala 'yung makulit na tawag ng tawag kay Irish at kung hindi ako nagkakamali, ang nangunguha ng mga ballpen."

"At bakit hawak mo ang kaniyang cellphone?"

"Dahil kinuha ko. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan mo pang idaan sa kaniya ang mensahe mo para sa 'kin. May cellphone naman ako," pagtataka ko.

"So do you accept my challenge?"

"Sounds interesting. So what is this challenge all about?"

"Gusto ko lang subukan kung gaano ka kagaling. Gusto kong alamin mo kung sino ako sa pamamagitan ng ballpen. I'll give you time until friday. 'Pag di mo nalutas ang mystery sa bagay na 'to, may malaking kapalit. Seryoso ako. Bye!"

[End of Flashback]

'Yan ang naging usapan namin. Nasaan diyan? Anong detalye ang nakakalimutan ko?

Pinikit ko ang mga mata ko at inisip ng paulit-ulit ang pag-uusap namin!

"Hello?" - Spence

"S-Spence?" - Mysterious guy

Bigla akong napadilat no'ng maalala ko ang mga linyang 'yon! Napa-ngiti na lang ako. 'Yun pala 'yung clue.

"Good afternoon class!"

Agad akong nagpunta sa upuan ko nang biglang pumasok ang teacher namin. Agad siyang nagdiscuss pero ako naman, wala sa mood makinig dahil busy ako sa paglutas ng mystery. Konting-konti na lang malalaman ko na kung sino siya. Kelangan ko na lang malaman kung ano ang ibig sabihin ng dJn na 'yun.

Basta ang mga suspek ko, mga taong nakakakilala sa'kin at hindi lang basta kilala ako, malapit sa 'kin.

"So now let's discuss about logarithm. I'm requiring everyone to please have your own calculator because you cannot solve log without calculator."

What's that dJn? dJn...

dJn

dJn

dJn

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now