Chapter 12 - Sher-Cus ship

892 43 5
                                    

(Sherry's PoV)

Habang nakatingin sa box, may sinabi siya na hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko.

"This ring is for you!"

Tinignan niya ako at nagtama ang aming mga tingin.

Napalunok ako habang nilalakasan ang loob ko.

Pero natalo ako dahil napatingin ako sa singsing na hawak na niya ngayon.

"The ring??? F-for me?"

Napakunot-noo ako.

Para namang magpo-propose ang dating niya.

"This is not an engagement ring", paglilinaw niya na parang basang-basa niya ang isip ko

"W-what's that for?"

"Personally, I call this a purity ring"

"P-purity ring?"

Wala talaga akong idea sa sinasabi niya.

"When I first met you, I admit...I find you so irritating. The way you speak, yung pagiging mataray mo. Nakakainis! Especially when I returned your ID....."

Nakinig lang ako though hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit niya yun sinasabi.

"....but as days pass by, you continue to capture my attention for being you. I find you irritating at first but the longer I knew you, the more I got impressed of your personality. Hanggang sa naging ka-aya-aya ka sa paningin ko kahit ganyan ka which is really inexplainable."

.

.

.

Nagkaroon ng katahimikan.

.

.

.

Hindi ko alam ang sasabihin ko!

"And then, nung magkasundo tayo, that was one of the happiest moments of my life. When I got abducted, apart from my family and other friends, you're one of the reasons why I became strong because I wanted to see you again and be captivated by you. Since then I gave in to my feelings for the first time as I realise that you are special to me. And now, I saw myself irrevocably falling...."

Tinignan niya ako sa mata. Nakita ko ang sincerity niya. Yung pagiging seryoso niya sa sinasabi niya na tumatagos sa puso ko.

Itinuloy niya ang sinasabi niya..

"....falling......for you!"

"But....but you said y-you like Irish. When I asked you in the hospital!", pagtataka ko.

Napaisip siya at ngumiti siya ng bahagya.

"Ah that one!"

"I think that was an incomplete statement."

"Huh?"

"This is exactly what I was supposed to say"

Well, to be honest, I like----her----

Yan ang naaalala kong sinabi niya nun bago kami ma-interrupt.

"I like her... as a friend!"

Tinignan ko siya at parang totoo naman ang sinasabi niya.

"So I wanna give you this ring as my symbol of my feelings for you. That I like you."

"After I go back to London, I will be taking over the business of my dad. I think I will take 2 to 4 years to train myself in handling the business. And after that...I'm planning to come back....and pursue my feelings for you. I will court you and if you like me too-----"

"Wait! Are you not gonna ask me first if I like you too?"

Nakaka-offend ah! Di man lang i-consider yung feelings ko. May plano na siya kung ano'ng balak niyang gawin samantalang di pa nga niya alam kung may pag-asa siya o hindi.

"Because whether you like me or not, I will still come back and pursue until you like me too!"

"Hindi naman kaya huli na ang lahat pagbalik mo or kung ganun pa katagal?"

"I believe nothing is too late for the people who are meant for each other"

Lalim!

"This ring, if you take it means you are accepting my feelings and that you're willing to wait for me until I come back for you. I wrote my address in the box where you can return the ring. When it's returned, it means you're no longer available.", sagot niya na medyo nalungkot pa sa bandang dulo.

Wala talaga siyang balak magtanong kung gusto ko rin siya.

Hinablot ko yung singsing na hawak niya at sinuot ko ito. Sakto sa ring finger ko.

Huminga ako ng malalim.

"Ok! This ring looks nice around my finger"

Napangiti siya

"I will wait for you, Mr. Beckendorf!", paniniguro ko

"Really?"

Tumango ako.

"But...wala ba tayong communication habang nasa London ka?"

"Aayusin natin ang time natin once I go back....", masaya niyang sagot.

"....I love you!" Dagdag pa niya

Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko

"Let's see after two to four years!", sagot ko

Alam kong natuwa siya sa sinabi ko.

Matapos ang ilang minuto ay dumating na rin ang mga orders naming napakarami.

------------
(Irish's PoV)

Hayyyy...andamiiiii!

Dapat kasi sinasabi ito ng maaga hindi yung i-i-inform lang ako pag malapit na ang deadline.

Andito ako ngayon sa SSC office. Dahil vacant, tinatapos ko yung napakaraming reports like achievement report, narrative report for the whole term namin as SSC. It's an individual report. Tapos yung plan about sa project na kelangan na raw mai-submit. Kelangan ko rin magpa-meeting mamayang uwian para sa budget at mga expenses for our whole term. Kailangan ma-finalize na raw agad yung report.

Napabuntong-hininga ako.

Sana matapos na 'to agad.

Meron pa palang mga request letter na pinapagawa yung adviser namin.

Eto talaga yung mahirap kapag patapos na ang academic year. Andaming gagawin at tatapusin. Idagdag pa diyan ang deadline ng mga project.

Minasahe ko ang aking ulo habang nagapapahinga.

--------
A/N: May Bonus Mystery pa po akong gagawin for Clue Detective so abangan po.

Please vote and comment din po. And sana po pa-follow na rin. Thank you :)

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now