MC#7 - Case Free

2K 67 0
                                    

(Spence's PoV)

Isang linggo na si Irish sa ospital. Hanggang ngayon wala pa rin siyang malay pero sinabi naman ni Mama na stable na ang heartbeat niya. Kailangan na lang hintayin na magising siya.

Araw-araw ko siyang hinihintay. Halos tumira na rin ako sa ospital. Gusto ko kasi, pag minulat niya ang mata niya, unang niyang makikita yung taong niligtas niya.

Siguro nagtataka kayo at lagi na lang ako sa ospital? Siguro tinatanong niyo kung pumapasok pa ba ako? The answer is a big no. Binigyan kasi ako ng pagkakataon ni Principal na hilingin ang anumang gusto ko bilang pasasalamat sa pag-iimbestiga ko. At napili kong bigyan ako ng special vacation para mabantayan ko si Irish. Kaya heto ako ngayon, araw-araw, umaasa na magigising na siya.

Si Jamie, walang special vacation kaya pumapasok pa rin siya araw-araw. Lagi siyang dumadaan sa school bago pumasok at pagkatapos ng kaniyang klase. Hindi pa rin kami ok. Sabi niya, makikipagbati lang siya sakin pag nagising na si Irish.

Si inspector, kailangan niyang pumasok sa kaniyang trabaho kaya ako lang talaga ang maiiwan dito.

Marami na ring dumalaw sa kaniya gaya ng mga kaklase namin at mga kasama niyang SSC officer.

Dumalaw na rin si Sherry. First time ko siyang makitang seryoso at talagang malungkot dahil sa nangyari. Hindi rin niya ako masyadong kinulit. Talagang naka-focus lang ang attention niya kay Irish which is great!

Kakaalis lang din ni Marcus. Dumalaw din siya kanina lang. Hindi ko nga akalaing dadalaw siya eh. Curious tuloy ako kung close sila? Or may time na naging malapit sila? Or friend din pala sila? Ang tanging naaalala ko lang kasi na nakita kong magkasama sila ay nung sumigaw ng I Love you Spence si Irish dahil akala niya, patay na ako.

Maya-maya pa ay pumasok si Jamie. Sigurado, tapos na ang klase nito.

"Dumalaw na pala si Marcus!", sambit ni Jamie.

Kahit hindi pa kami official na bati, nag-uusap pa rin naman kami, yun nga lang, halatang may gap.

"Oo..nakasalubong mo siya?"

"Oo!"

"Magkakilala pala sila 'no?"

"Siyempre naman. Malapit din kaya si Marcus sa puso ni Irish!"

Aray!

"Ano'ng ibig mong sabihin? Na magkaibigan din sila?"

"Hindi! Pero unang pagkikita pa lang kasi nila, nagkamabutihan na sila agad!"

"Ano? K-kelan to? Ba't di ko alam?", medyo panic kong sagot

"Nung wala ka siyempre kaya nga hindi mo alam eh!"

"So pano nga?"

"Kasi matatamaan dapat ng bola si Irish pero napigilan ito ni Marcus. Ang astig nga ng paraan niya eh. Hindi pa rin namin mawari kung pano niya yun nagawa. Ang bilis. Pagtingin namin, nasa may mesa na siya at hawak na niya ang bola."

"Sus....parang yun lang bilib ka na agad!"

"Bakit? Nakakabilib naman talaga ah! Hindi tulad ng iba diyan, hindi niya nagawang protektahan. Ayan tuloy, nandito si Irish, hanggang ngayon wala pa ring malay.", sarcastic na pagsabi ni Jamie.

Hindi na lang ako umimik. Wala na akong laban tuwing yun ang binabanggit niya. Ilang beses ko nang pinaliwanag ang nangyari pero hindi niya maintindihan. Siguro dahil tingin niya ako si Superman!

"Grabe ka naman. Alam mo naman ang kwento kung pano nangyari 'to diba?"

"Bakit? Natatamaan ka? Wala naman akong binanggit na pangalan!"

CLUE DETECTIVEOnde histórias criam vida. Descubra agora