Chapter 5 - Search

2.2K 76 2
                                    

(Spence's PoV)

Medyo nahihirapan si Irish sa pagkukwento dahil pa rin sa pag-aalala at takot niya sa posibleng nangyari kay Baby Ken. Kami ni inspector, nakikinig lang kami ng maayos.

"S-Sunday kasi ngayon diba? Kaya magsisimba ako.."

"...naisip ko na....na hindi ko pwedeng iwan si baby dito dahil maglilikot lang siya..delikado!", pag-eexplain niya.

"Pinatulog ko siya. Hiniga ko siya sa kaniyang crib! At ako, yun yung naging pagkakataon kong maligo."

Nakita kong naluluha na naman siya...at napapayuko. Halos hindi na rin marinig ang boses niya!

"T-tapos....paglabas ko ng CR...wala na siya! W-wala na si baby. Hindi ko na alam kung nasaan siya!"

At tuluyan na naman siyang umiyak and she even convered her mouth para pigilin ang kaniyang paghikbi

Nasasaktan ako tuwing nakikita kong ganyan ang kaibigan ko.

"Habang naliligo ka, wala ka bang narinig mula sa labas?"

Nag-isip siya ng konti!

"Nagsha-shower kasi ako nun..kaya hindi ko maririnig kung sakali mang may ingay mula sa labas!"

"Eh..apo, wala ka bang napansing kakaiba? O nawawala maliban kay Baby Ken..

"Hindi ko alam Lo! H-hindi ko na kasi maisip yang mga yan. Si Baby Ken na lang talaga yung inaalala ko!"

"Alam kong nahihirapan ka pang mag-isip sa ngayon pero kailangan mong icheck kung may nawawala bukod kay baby Ken dahil makakatulong yun sa paghahanap ng clue!", paalala ko sa kaniya.

Tumango lang siya. Maya-maya pa ay tumayo siya upang icheck ang mga gamit niya.

Napansin kong napalitan ng pagtataka ang kaniyang mukha sa direksyon ng mesa

"W-wala yung..wala yung bag ni Baby Ken!"

Napatingin kami sa mesa..

"Sigurado akong nandiyan lang kanina!", sambit niya

Napaisip naman ako agad!

Pati bag ni Baby Ken kinuha???????

Bago yun ah!

"Sige apo, mag-observe ka dito at sisimulan na rin namin ni Spence ang paghahanap ng iba pang lead.

Tinignan ako ni Inspector at tumango naman ako!

Sabay kaming lumabas sa kwarto ni Irish.

"Buti na lang walang nangyaring masama kay Irish!"

Agad akong napatingin kay inspector!

Oo nga! Hindi napahamak si Irish. Posible kayang si Baby Ken lang talaga ang pakay? O hindi lang napansin si I?

"Hindi ko kakayanin pag napahamak yang apo kong si Irish!", pagpapatuloy ni Inspector

"Ako rin po..hindi ko kayang mapahamak siya. Ngayon nga lang na nakikita kong ganyan siya, nasasaktan na ako eh!"

Tinignan ako ni inspector na tila ba nagdududa siya sakin!

Mukhang nasabi ko kay Inspector yung hindi ko dapat sabihin ah..nakakahiya!

"Uhmmm...ang ibig kong sabihin inspector...", sabay hawak ko sa batok ko

".....na s-siyempre k-kaibigan ko siya diba? S-so dapat lang na mag-care ako sa kaniya."

Tinignan ako ni Inspector na parang hindi siya kumbinsido ngunit mayamaya pa ay tumango rin siya sabay tap sa aking balikat.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now