Chapter 1 - Disbelief

2.1K 72 0
                                    

(Irish's PoV)

Dumilat ako at nataranta nang mapatingin ako sa bintana at madilim na ang paligid.

Hindi ko akalaing nakaidlip pala ako.

Ginabi pa ako sa office mag-isa.

I checked the time and it's 5:30 pm.

Nakakapagtaka naman. Ang aga ng paglubog ng araw ngayon ah.

Kinuha ko ang aking bag at dali-daling lumabas para makauwi.

Nakarating ako sa gitna ng school nang mapatigil ako at mapatingin sa paligid. Pakiramdam ko kasi ay marami ang nakatingin sakin.

.

.

At hindi ako nagkamali dahil sa gitna ng dilim, nakita ko ang napakaraming matang nakatingin. Hindi ko mawari kung anong klaseng nilalang sila, kung tao ba sila, hayop, cannibals, maligno o kung ano pa. Magkasing kulay ang katawan nila sa gabi at tanging mata lang nila ang aking nakikita.

Hindi ako makapaniwala na andami nilang nakatingin sa kin. Nakapaligid sila na tila minamanmanan ako.

Natakot ako at napasigaw na lang sabay takbo.

Lalabas na sana ako ng gate nang makita kong may mga ganung nilalang din doon.

Napatigil na lang ako. Napansin kong palapit sila sakin. Maging yung mga nasa kanan ko, likuran, kaliwa ay papalapit din sakin. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila. Hindi ko rin alam kung sino sila. Ngunit isa lang ang alam ko. Wala na akong mapuntahan. Wala akong ibang choice kundi hayaan na lang silang makalapit at gawin ang gusto nila sakin, kung papatayin ba nila ako.

Palapit sila nang palapit at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko sa sobrang takot at kaba. Pinagpapawisan na rin ako sa sobrang takot na nararamdaman ko. Gusto kong makawala dito. Gustong makaalis. Pwede bang, bago nila ako kainin ay mawalan na lang ako bigla ng malay?

Pwede bang maglaho na lang...

Dalawang hakbang na lang ay tuluyan na silang makakalapit. Sumigaw na ako nang malakas....

"Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!"

At ako ay naalimpungatan.

Malakas pa ang kabog ng dibdib ko at takot na takot ako. Pinagpapawisan din ako.

Nang medyo mahimasmasan ako, dun pa lang ako nakapagsalita.

"Buti na lang panaginip lang!"

Napatingin ako sa aking phone. Shocks! 10 missed call from last night galing kay Vicky.

Naku...baka may importante silang tanong tungkol sa tinatapos namin. Sa sobrang pagod ko kasi kagabi, nakatulog ako agad. Ni hindi ako nakapaghapunan...

Tinawagan ko si Vicky para i-clarify kung ano'ng kailangan niya. Buti nasagot din niya agad

"Hello Vicks...tumatawag ka pala kagabi. Sorry ah nakatulog kasi ako agad nun sa sobrang pagod"

"It's ok!", matamlay niyang sagot.

"Ok ka lang ba?"

"Irish...actually hindi lang ako ang hindi ok. Kaming limang natira last night and I could say, buong school ang in danger!"

"Ano'ng ibig mong sabihin? Did something happened last night?"

Napansin kong napabuntong-hininga siya

"Yung statue sa pagitan ng Faculty at Principal's office. It came to life last night!"

"Ano?"

Hindi ko mapagtanto ngayon kung tama ba ang mga naririnig ko. Nabubuhay yung statue kapag gabi? Baka naman nagkakamali ako ng narinig epekto ng masamang panaginip ko?

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now