Chapter 4 - Spence's gf

946 32 0
                                    

(Irish's PoV)

"Yes it's me!"

Para akong nasabuyan ng malamig na tubig.

I checked my phone.

Iba pala ang natawagan ko! Sa kakaisip ko sa kaniya, imbes na Marcus, si Spence ang na-contact ko.

"Kindly explain what's that all about..please!", malumanay niyang tanong

"Uhmmm..."

Ewan ko ba pero kahit naiinis ako, napahiya pa rin ako. Siguro ganun talaga kapag nangyari ang isang bagay na ayaw mong mangyari.

"..ganito kasi yun...naiinis talaga ako sa'yo Spence. Yun ang totoo. Alam mo na ngayon!"

Hindi ko alam kung may sense ba yung sinabi ko. Na-realise ko na parang inulit ko lang.

"Bakit ang lalim?"

"H-huh???"

"Ang lalim ng galit mo. Hindi lang naman ito yung unang beses na iniwan kita pero this time parang hindi na tayo magiging ok!"

Hindi ako nakaimik.

"Look Irish! It hurts me, you know"

Hindi ulit ako nakaimik. Tuwing naririnig ko yung boses niya at tuwing nagpapakatotoo siya sa nararamdaman niya, nakakaramdam ako ng guilt at parang nati-tempt akong sabihin sa kaniya ang lahat.

And I started to recall the main reason bakit ayokong sabihin sa kaniya.

This time feeling ko unjustifiable yung dahilan.

"Irish, are you still there?", tanong niya

And then muli kong naisip how frustrated I am for what he did which I think was the root cause why I got victimized by those goons.

"Ayokong pag-usapan!"

Pinilit kong maging mataray at binaba ko yung phone.

--------------
(Spence's PoV)

"Ok! Let's call it a day!"

Lumabas yung teacher namin from our classroom. Last period namin ng umaga and that means....it's lunch time.

Tinitignan ko si Irish. Palabas na siya ng classroom kasama si Jamie nang bigla siyang maitulak paharap dahil may nakatabig sa balikat niya.

Halos mapatayo ako sa pag-aalala

Nakita ko yung paglukot niya sa mukha niya at pag-alalay niya sa balikat niya

"Ok ka lang?", pag-aalala ni Jamie

Tumango lang si Irish at dahan-dahan niyang iginalaw ang balikat niya.

Ano kaya'ng nangyari sa balikat niya?

Maya-maya pa ay umalis na sila. At dun pa lang din ako lumabas ng classroom.

Habang naglalakad ako, merong isang babaeng estudyante ang lumapit sakin from lower year.

"Kuya, pinapatawag ka nung babae sa may gate!"

"Babae?", pagtataka ko

"Opo!"

Pagkatapos ay umalis na siya.

"Salamat", pahabol ko

Dumiretso ako sa gate. Baka si Mama yun.

.

.

.

Hindi pala!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now