Chapter 1 - Maia's PDA

900 31 2
                                    

Days earlier.....

(Spence's PoV)

Nakabihis na ako nang bumaba ako mula sa kwarto. Nadatnan ko si Mama at Papa, kumakain.

Isang araw na nung makauwi ako mula sa ospital. Ngayon, gusto ko nang pumasok kaya heto, naka-uniporme na ako.

"T-teka papasok ka na!?", tanong ni Mama.

"Opo Ma!"

"Huh? Hindi mo kaya. Kailangan mo pang magpahinga."

"Ma! Masyado na akong maraming na-miss sa school."

"Pero mas importante na health mo!", sagot ni Mama

Hinawakan ni Papa ang braso ni Mama. It's his way of saying..."huminahon ka"

"Kaya mo na ba kasi talaga Spence? Kasi kung kinakaya mo lang para pumasok, hindi magandang idea yan. Mas lalo mo kaming pinag-aalala ng mama mo"

"Pa..kaya ko na! Tsaka para hindi kayo nag-aalala, mag-iingat ko!", paniniguro ko sa kanila.

Tila kumalma naman si Mama sa sinabi ko

"Basta mag-iingat ka ah! Lessen your activities. Pag sumama yung pakiramdam mo, umuwi ka agad or dumiretso ka sa ospital nang ma-check kita.", paalala ni Mama

"Opo ma!"

Pagkatapos ay umupo ako at kumain na rin.

Pagpasok ko sa gate, may kung anong tuwa akong naramdaman sa puso ko nang makita ko si Irish, naglalakad at may hawak na envelope.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinawag ko siya.

"Ir----"

"Spence! Sabi ko na nga ba papasok ka eh!"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may tumawag sa kin. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Maia!"

Inayos niya ang buhok niya habang nakangiti

"Wala ka bang pasok?"

"Sa work? Meron. Pero inutusan kasi talaga ako ng boss kong pumunta rito!"

Napalingon ako sa kinaroroonan ni Irish pero nakaalis na siya.

"Ah..g-ganun ba?"

"Pwede mo ba akong samahan?", tanong niya

"Saan?"

"Magpapa-order sana ako ng meryenda sa mga teacher"

"Pero may canteen dito. Hindi ba't dapat..."

Pabiro siyang sumagot.

"Ewan ko ba sa mga teacher niyo. Gustong-gusto naman nilang bumili samin. Lagi-lagi naman silang umo-order. Ano? Sasamahan mo ba ako o sasamahan?", tanong niya

Hindi ko talaga ugali yung sasamahan ko yung isang tao para sa isang bagay na alam kong madali lang gawin at kaya niyang mag-isa. Kasi ako nasanay akong lumalakad mag-isa.

Pero naalala ko nung nasa ospital ako, lagi niya akong dinadalaw.

"Sige ba!"

At sinamahan ko na nga siya.

Pagdating namin dun, napatingin sa amin ang mga teacher. Una, titingin sila kay Maia, pangalawa, sakin.

Marami ngang nag-order. Siguro masarap talaga'ng mga tinda nilang meryenda.

Maya-maya pa ay umalis ako saglit para mag-CR.

Nagpalinga-linga ako baka sakaling makita ko si Irish.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now