Mystery Case #3-The Poisoning incident At The Ball

3.1K 120 6
                                    

Prologue:

(Spence's PoV)

Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Nagpunta ako sa terrace ng kwarto ko at doon nag-unat. It's a new morning and it's Saturday. Ibig sabihin, walang pasok. Pinagmasdan ko ang kalsada at mga dumaan saka napaisip. Ano kaya'ng pwedeng gawin ngayon? Sigurado ako, magiging boring ang araw ko nito.

Nang magsawa akong manood ng mga nagsisidaan, pumasok na ako. Nagtungo ako sa CR para ayusin ang sarili ko at dumiretso sa kusina para magbreakfast.

"Good morning, son!" bati ni Mama.

"Good morning, Ma!"

Lumapit ako sa kanya to kiss her cheek. Ready na naman siya to work in the hospital.

Tahimik lang kaming kumain. Si Mama, mabilis natapos. Ako naman, kumain lang ng oats saka uminom ng gatas.

See? Sabi ko naman kasi. This day is going to be a boring day.

Nagpaalam si Mama because she's got to go to the hospital at ako, naiwan sa bahay.

Nagtungo ako sa kwarto. I opened the TV. Naghanap ako ng mga palabas na maganda kaso wala. Hindi ko type ang mga movie sa cable ngayon. Hindi ko rin feel manood ng cartoons. Sana kasi Lunes na para start na ulit ng training namin para sa basketball. Nakahanap na kasi sila ng bagong coach.

Pinatay ko ang TV. Pumunta ako sa library ni Papa at sinubukang maghanap ng mababasa kaso hindi nagsi-sink in sa utak ko ang mga binabasa ko. I think I'd better go out. Maglalaro na lang siguro ako ng basketball sa park. Tinawagan ko si Jimson. Malapit lang kasi ang bahay nila sa park ng subdivision namin at siya ang madalas naglalaro!

Palabas na 'ko ng bahay nang biglang may dumating na mailman!

May nilabas siyang white envelop. Pagkatapos ay napatingin siya sa 'kin.

"Good morning po ser. Sulat po para kay Mr. Benj Quijano."

Inabot niya ang sulat at kinuha ko naman saka ako nagpasalamat.

Aalis na sana siya nang lumingon siya sa 'kin. May nilabas siyang papel at ballpen.

"Uhmm, s-sir, pwede pong pa-autograph?" medyo nahihiya pero excited na tanong ng mailman. Hindi naman ako makapaniwala na pati mailman magpapa-autograph.

"Sa 'kin?"

"Opo sir. Idol na idol po kasi kayo ng anak ko mula no'ng malutas mo ang kaso ni Coach Anghelo."

Ngumiti ako sa kaniya saka ko siya pinagbigyan sa autograph na hinihiling niya.

"Ilang taon na po ba ang anak niyo?"

"Pitong taong gulang pa lang. Sa katunayan gusto niyang maging tulad mo paglaki niya."

Ibinalik ko sa kaniya ang ballpen at papel.

"Salamat po sir."

"No problem. Salamat din!"

Pagkaalis ng mailman, agad kong tinawagan si Papa.

"Hello, Pa!"

"Anak, napatawag ka?"

"May natanggap akong sulat para sa 'yo."

"Talaga?"

"Oo. Baka importante 'to! Kelan ka uuwi?"

"Matatagalan pa ako dito sa Laguna anak. Alam mo na, another case!"

"So, ipapadala ko na lang?"

"Hindi pa naman sigurado kung urgent nga 'yan kaya mas mabuti pa, buksan mo muna and then you call me back kung ano ang laman."

Pumayag ako sa gusto ni Papa. Pagbaba ko ng phone binuksan ko agad ang white envelope at isang card ang laman. Card pa lang mukhang mamahalin na. Kulay gold at napakakintab.

"This serves an invitation to Detective Benjamin Quijano on April 30 at the Hotel Park for its thanksgiving ball as a celebration to its 30th year anniversary."

Pagkabasa ko no'n, napa-isip ako. Hotel Park is one of the biggest hotels in the country. Sikat na talaga si Papa, akalain mo, may ganito siyang invitation.

After I read the card, tinawagan ko ulit si Papa

"Hello, Pa! Nabuksan ko na. It's an invitation from Hotel Park."

"Hotel Park? Hmm...talaga? Nakakatuwa naman."

"Bakit may ganito kang invitation Pa? Isa ba ang may-ari sa mga natulungan mo?"

"Hindi naman. Sa katunayan, hindi ako makapaniwala na may ipinadalang ganyan."

"Sikat ka na nga talaga Papa. Tonight na raw ang Ball."

"Mamayang gabi? Sayang hindi ako makakapunta."

"Eh, since hindi ka naman nila kilala at bigla ka na lang binigyan, okay lang naman siguro kung hindi ka makakapunta. Hindi naman nila mahahalata."

"Tama ka diyan anak pero sayang din kasi. Isa itong malaking oportunidad. Akalain mo, 'yung sikat na hotel sa bansa magpapadala ng invitation."

"So iiwan mo ang trabaho mo para sa ball?"

"Hindi, siyempre hindi! Ikaw ang pupunta."

"Ano!?"

Tama ba ang narinig ko? Pinapa-punta ako ni Papa?

"Pinapa-punta mo ako, Pa?"

"Oo! Ikaw ang magiging representative ko! Saka okay din nang makakita ka naman ng ball ng mga sobrang yaman."

"Tsss, hindi naman ako interesado!" natatawa kong sagot kay Papa.

"Basta, ikaw ang pupunta."

"Pero Pa ayo--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ibinaba na niya ang phone. Lagi na lang niya akong binababaan!

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon