Chapter 1 - Friday

2.4K 79 0
                                    

(2 days earlier)

(Irish's PoV)

"I!", tawag sakin ni Spence habang naglalakad kami papuntang school

"Bakit?"

"May lakad ka ba bukas?"

"H-huh?", tanong ko nang naninibago..

"Hindi mo ako narinig?", hindi makapaniwalang tanong ni Spence

"Tinatanong ko kung may lakad ka bukas!"

"M-m-meron..oo meron"

Ngumiti siya ng nakakaloko!

"Why are you stammering?"

"Eh pano..tinatanong mo pa eh obvious naman!", natawa kong sagot pero halata namang kinakabahan ako sa tawa ko.

Ang totoo, I'm stammering kasi I feel butterflies in my stomach...parang na-excite ako na ewan!

"Obvious na?"

"Na may lakad ako..kasi diba may pasok bukas?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko!

"Tomorrow is Saturday!"

Bigla akong nagblush sa sinabi niya. Bigla kong narealise, Friday nga pala ngayon!

"Sorry naman! Nakalimutan ko!", tapang-tapangan kong sagot..

Nag-grin lang siya..

"So ano? May lakad ka bukas o wala?"

Napalunok ako sa kaba. Natutuwa ako na ewan!

"W-wala..bakit?"

"Libre kita ng pizza bukas...sunduin kita sa bahay niyo!"

Napatigil ako sa sinabi niya habanga siya, naglakad nang mabilis...

"U-uy...t-tek-----"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakalayo na siya. Naiwan akong nakatayo lang at pina-process ang sinabi niya..

"N-niyayaya niya akong lumabas?", bulong ko sa sarili ko!

Si Spence nagyayayang lumabas. Bago yun ah!

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaramdam ako ng magkahalong kaba, excitement, at tuwa!

At hindi ko na napagilan ang sarili ko...napangiti na lang ako saka ako naglakad!

-------------

Andito na ako ngayon sa classroom. Palinga-linga ako at hinahanap si Spence kaso wala siya.

Nakaupo lang ako at iniisip yung tungkol sa lakad namin ni Spence bukas habang nakaupo naman sa may table si Jamie na tila may iniisip rin..

Narinig kong napabuntong-hininga si Jamie na tila ba stress na stress..

"Hindi ko na kaya 'to!", sambit niya na tila nahihirapan. Tinignan ko lang namab siya habang yung utak ko...andun pa rin sa moment na niyaya ako ni Spence lumabas bukas. Inuulit-ulit kong iniisip yun!

"Aalis si Mama bukas, aalis din si Papa...yung isa kong kapatid may field trip! Ako lang ang maiiwan sa bahay! Hindi ko keri...", pagrereklamo niya..

"Napaka-unfair! Ayokong maiwan sa bahay bukas mag-isa. I will be forced to do all the household chores...", naiiyak niyang sambit..

Pagkatapos ay bigla siyang kumalma at lumingon sakin!

"Alam ko na...labas na lang tayo bukas! Kahit magwindow shopping lang tayo sa mall!"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now