Chapter 19 - Irish's Disappointment

902 33 0
                                    

(Irish's PoV)

Minulat ko ang aking mga mata.

Andito na ako sa bahay.
Nakita ko si Lolo sa tabi kong nakatayo.

"Lolo", sabay bangon

"Aaah! Sakiiit.", sambit ko sabay hawak sa balikat ko.

"Wag kang masyadong gumalaw!", pag-alalay niya sakin.

"Nag-alala ako sa'yo!", naiiyak na sambit ni Lolo

Bigla kong inalala ang mga naganap.

Bago ako mawalan ng malay.....

Naglaban kami ulit. Pinilit ko pa rin silang labanan. Sinipa ko yung ano ni goon 1 gaya ng ginawa ko kay goon 2. Medyo matagal din ang naging laban hanggang sa naramdaman kong may dumapong kahoy sa balikat ko. Yun pala kagagawan ni Goon2. Hanggang napahiga na lang ako.....at di ko na alam kung ano'ng nangyari.

"Nakita kong pinagtutulungan kang kalabanin ng mga yun. Saktong nawalan ka ng malay nung dumating ako."

Napaluha ako. Akala ko katapusan ko na!

"Buti na lang dumating ka Lo!"

Tinabihan ako ni Lolo.

"Sssh!"

.

.

.

"Lo, asan na pala yung mga yun?"

"Pinadakip ko na sila sa mga pulis!"

At least bumuti yung pakiramdam ko nang marinig ko yun.

"Apo, hindi ako galit...pero bakit ka nandun sa lugar na yun?"

Ayoko sanang banggitin pero kailangang malaman ni Lolo. Ngayon ko na-realise na siya lang ang pwede kong pagkatiwalaan.

Kinwento ko ang buong detalye.

"Ano??? Iniwan ka ni Spence? Siya ang dahilan kung bakit ka pinagtulungan dun?"

Tinignan ko lang si Lolo.

" Sa sitwasyon mo dun, kung hindi ka nagka-tiyempo na sabihin sakin kung asan ka, malamang mas malala pa diyan ang nangyari sayo. Oh di kaya'y pinagsamantalahan ka na nila! HINDI KO MAPAPALAMPAS 'TONG GINAWA NIYA! Papatayin ko siya!"

Dapat lang na hindi ito palampasin ni Lolo. Maging ako sobrang sama ng loob ko sa kaniya. Kung hindi niya ako iniwan, eh di sana hindi ko naka-engkwentro yung mga goons na yun. Grabe ding takot yung pinagdaanan ko dun.

"Lo!", pag-awat ko sa kaniya

Ayoko naman yung idea na papatayin niya si Spence.

"Ayoko sanang malaman niya ang nangyari sakin"

"ANO??? TAMA BA'NG NARIRINIG KO IRISH? WAG KONG SABIHIN?????"

Ayoko namang magpa-awa sa kaniya.

"Bakit pa natin ipapaalam sa kaniya? Wala naman siyang pakialam sa akin"

"Hindi ko alam kung bakit ganyan LANG ang gusto mong mangyari. Diba dapat sabihin natin para ma-konsensiya siya?"

"Yun nga po yung ayokong mangyari! Alam mo namang ayokong nagpapa-awa at ayokong konsensya ang dahilan ng concern ng isang tao"

Tinignan ako ni Lolo. Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko.

"Sabagay ganyan din ako minsan apo. Pero eto ang hihilingin ko sa'yo. WAG NA WAG ka nang lalapit diyan sa Spence na yan. Ayoko nang maging magkaibigan kayo. Wala na akong tiwala sa kaniya!"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now