Chapter 8 - Goodnight

1.4K 57 5
                                    

7 pm na...

"Let's go! Sigurado akong matutuwa ka dito"

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya..

"S-saan? M-matutuwa?"

"Oo!", sagot niya ng nakangiti

"Saan tayo pupunta?"

"Basta!"

"Saan nga? Siyempre kailangan kong malaman! Hindi naman pwedeng basta-basta na lang akong sasama sayo! Baka mamaya kung saan mo na pala ako dadalhin!"

Tinignan niya ako nang nagtataka

"Trust me!", sagot niya

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya..

"Uhmm..k-kasi Spence, alam kong kaibigan kita pero hindi naman pwedeng---"

"Hindi ko pwedeng sabihin eh. Basta isipin mo na lang, isa itong surprise galing sakin.", sabay kindat

Dahil sa kindat na yun na dahilan para maramdaman kong tila nakukuryente ako, hindi na ako nakapagreact.

Nagmaneho na siya ulit.

Maya-maya pa ay biglang nagtext si Jamie

"Hi friend!", bati ni Jamie with a kinikilig na emoticon

"Oh? Bakit may emoticon kang ganyan?", reply ko

"Eh kinikilig ako sa inyo eh!"

"Huh?"

"Siguro nag-eenjoy ka na ngayon sa sweetness ni Spence"

"Ano'ng sweetness ang sinasabi mo?"

"Twinkle, twinkle little star! How I wonder what you are!"

"Huh?"

"Basta wag ka nang magdeny. I know everything. Dadalaw ako sa bahay niyo bukas. Kailangan mong ikwento ang mga nangyari. Lalo na tonight"

"Ang gulo mo! Hindi kita masundan"

"Basta..mag-aala meteor garden ang buhay mo tonight. Sige na goodnight!"

"Uy wait..."

...

...

...

Kaso di na siya nagreply!

Ano ba'ng alam ng Jamie na to?

Matawagan nga!

I dialled her number pero hindi na siya sumasagot.

Napabuntong hininga ako!

Sabi ni Spence earlier, magugustuhan ko raw ang surprise niya tapos si Jamie naman, tila alam niya na may surprise si Spence.

Maya-maya pa ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko yung text ni Jamie..."sweetness"

At dahil mabilis ang utak ko..di ko na napigilang mag-isip kung ano'ng mangyayari.

Baka magtatapat na siya ng nararamdaman???

...asa naman! Magkaibigan lang kami.

..baka naman nagprepare siya ng candlelight dinner?

Pwede!

...or nagprepare ng fireworks display?

...baka pala stargazing?

At hindi ko na naiwasang mapangiti.

Star gazing..gusto ko yan!

Sana yun nga. Sabi ni Jamie..twinkle twinkle little star at Meteor Garden..

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now