Chapter 18 - Spence's Alibi

889 35 0
                                    

(Spence's PoV)

Napalingon ako sa paligid at umaasang makita sa isang sulok si Sherry pero wala siya eh!

Hanggang sa napansin kong mayroong bakas ng dugo malapit kay Sherry.

Napalunok ako! 'Wag naman sanang dugo yan ni Sherry.

"Ano? Sasabihin mo ba ang pakay mo? O ipuputok ko na 'to sa ulo mo?", pananakot sa akin ng kanilang boss.

Isinantabi ko ang mga katanungan sa isip ko at nagpanggap na isang kakampi.

"Nandito ako upang ipaalam sa inyo na paparating na ang mga pulis. Nalaman na nila kung saan ang hide out niyo."

"Pinagloloko mo ba ako? pano mo nalaman na parating na sila?"

"Narinig ko lang."

"At bakit naman kami maniniwala sayo? Paano naman kami makakasiguro na hindi mo kami pinagloloko?"

"Una po, kung kakampi ko ang mga pulis, hindi ba't dapat hindi ko na kayo sinabihan para magkagulatan na lang kayo dito at mahuli? Pangalawa, kung hindi kayo maniniwala, wala na akong magagawa."

Tinignan ako ng matagal ng boss nila. Tila ba pinag-aaralan niya kung dapat ba siyang magtiwala sa akin o hindi!

Napansin ko ang paglingon nina Sherry at Marcus sakin.

Si Sherry tingin pa lang niya halatang may tiwala siyang tinutulungan ko sila. Si Marcus naman, halatang hindi niya nagugustuhan ang mga sinasabi ko.

.

.

.

.

.

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan.

Maya-maya pa ay isang tunog na kanina ko pa hinihintay ang narinig namin. Ang tunog din na ayaw na ayaw nilang naririnig.

..

..

"Andiyan na ang mga pulis"

"Sabi ko sa inyo eh!", sagot ko naman.

"A-anong gagawin natin boss?", tanong ng isang tauhan na halatang kabado na.

"Sabihin sa mga nasa gate na wag papasukin ang mga pulis."

Nagtungo naman ang isa niyang inutusan.

.

.

.

.

"Matapos ang ilang minuto, bumalik ang inutusan ng kanilang boss."

"Boss, wala naman pong pulis eh!"

"Ano? Pinagloloko niyo ba ako?"

At lumingon siya sakin.

"Ikaw? Ba't ka nagkakalat dito ng fake news ha?"

Fake news? Hindi ako naka-react agad sa narinig ko. Updated din pala 'to sa issue ngayon.

Maya-maya pa ay mayroong dumating na isa pang tauhan.

"Boss, sa likod sila dumaan. Nag-over the bakod sila!"

"ANO????"

ramdam ko na ang tension. Kinakabahan na sila at natataranta.

Kulang din sila sa tao. Napansin ko tatlo yung sa gate, tapos may mga nakakalat na tauhan sa harap ng bahay, mga 2, at 2 yung nasa loob kasali na dun yung boss nila. Bale 7 lang sila.

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon