Chapter 8 - The Secret

2.9K 120 3
                                    

Naka-sandal lang ako sa wall, nakapamulsa habang pinagmamasdan ang mga ka-klase ko. Nakakagaan talaga ng loob ang tumulong.

"Hindi ka kakain?" tanong ni Jamie.

"Ubusin niyo na lang baka hindi magkasya sa inyo!"

"Haller, 10 boxes of pizza kaya 'yun!" kontra niya.

"Jamie tumatawag ang Mama mo--" sambit ni I

Napatingin kaming pareho kay Irish habang ina-abot niya ang phone niya kay Jamie. Kapansin-pansin kay Irish na hindi niya ina-asanhang nando'n ako kaya napa-tigil siya. Tinignan niya ako coldly saka iniwas din niya ito agad. Hindi pa pala kami nakakapag-usap ng maayos ni Irish after kong i-snatch ang cellphone niya.

Tumalikod na siya sa 'kin. Hindi ako sanay na ganito siya sa 'kin. Mas gusto ko pang magalit siya sa 'kin, mainis o ang sigawan ako. At least alam kong galit siya no'n kesa ganito na di niya ako iniimik!

----------

Nauuna si Irish na naglalakad. Halatang binibilisan niya dahil ayaw niya akong kasabay pero dahil gusto ko siyang makasabay, binibilisan ko rin para maabutan ko siya.

Pero dahil hindi ko siya maabutan, sige na nga, kakausapin ko na siya.

Huminga ako ng malalim!

"Irish!"

Hindi niya ako pinapansin!

"Irish!"

Wala pa rin.

"I, galit ka ba sa 'kin? Nagtatampo?"

Sinusundan ko lang siya! Hindi ba talaga ako papansin nito?

Oooopsssss!

Hindi ko akalaing hihinto siya at biglang lilingon sa 'kin kaya muntik na kaming bumangga sa isa't isa. Buti na lang napa-hinto agad ako.

Itinaas niya ang mga kilay niya habang naka-cross arm. Hinihintay niya kung may sasabihin pa ako.

"T-tungkol sa pag-snatch ko sa phone mo, sorry. Kinailangan ko lang kasing gawin 'yun dahil 'yun lang ang nakita kong paraan. Narinig ko kasing kausap mo 'yung nangunguha ng ballpen at nalaman ko ring ayaw mong sabihin sa'kin kaya na no choice ako!"

Ngumiti siya ng pilit pero sumimangot din siya agad saka nagpatuloy sa paglalakad. But this time, kasabay ko na siya.

"Uy Irish, pansinin mo na ako! Nagso-sorry na nga ako diba?"

Hay hindi pa rin talaga niya ako pinapansin!

"Grabe ka naman! Pansinin mo na ako! Libre kita'ng pizza?"

Mukhang hindi umuubra ang pizza ngayon ah! Hmmm, nga naman kasi, kakakain lang niya.

"I, libre kita ng one week lunch!"

Wala pa rin!!

Ah alam ko na!

"Sige ka, pag di mo ako pinansin, hindi ko ishi-share sa 'yo ang climax ng mystery! Kung sino ang nasa likod ng pagkawala ng ballpen."

Right after kong masabi 'yun, huminto siya agad at tumingin sa 'kin!

"Sikreto?"

"Oo! Ako lang at siya ang nakakaalam nito pero siyempre dahil kaibigan kita, pwede ko ring ipaalam sa 'yo. Actually may pinapasabi nga siya eh!"

"S-sino? At ano'ng pinapasabi niya?"

Sa reaksyon niya ngayon, parang nakalimutan niyang nagtatampo siya sa 'kin. Sabi ko na kasi eh, effective!

"Pero i-promise mo muna sa 'kin na bati na tayo?"

Hindi siya umimik at biglang bumalik sa normal ang expression niya!

"Ikaw ang bahala! Hindi mo malalaman ang sikreto."

Tumingin siya sa 'kin at tinignan niya ako ng matagal. Seems like she's examining me. Mayamaya pa...

"Ok fine! Sige na. Bati na tayo."

"Talaga?"

Agad ko siyang niyakap sa sobrang saya! Na-miss ko rin siya. Matagal-tagal din kaming hindi nagpansinan..

Oooooopsssss!!

Bigla akong nailang sa pagkakayakap sa kaniya at ganoon din siya kaya bigla akong bumitaw.

"Uhmmmm, 'y-yung sikreto!" paalala niya.

"O-oo nga pala!"

Muntik ko ng makalimutan!

"Pinapasabi niya sa'yo na sorry daw if he has disturbed you through his calls."

"Since naibalik naman ang mga ballpen, okay na! So sino ang nasa likod ng pagkawala ng mga ballpen?"

"Hindi pwedeng malaman ito ng kahit sino okay? Tayo lang ang makakaalam nito. Siya, ako, at ikaw!"

"Oo naman. Secret lang natin."

"Kahit kay Jamie hindi mo pwedeng sabihin."

"Oo! So sino?"

"Kahit sino'ng nasa school hindi pwedeng malaman ang bagay na 'to!"

"ANG TAGAL NAMAN EH!!! OO NA NGA DI BA?" inip niyang sagot

Maka-sigaw naman. Pero na-miss ko 'yan!

"Relax! Ito na."

Tumingin ako sa paligid to make sure na walang tao. Saka ko ibinulong sa kaniya.

"HA??? SI DET--"

Agad kong tinakpan ang bibig niya. Nang mahimasmasan siya, tinanggal ko ang pagkakatakip sa bibig niya.

"Naku Spence, kailangan ko siyang puntahan! Nag-aalala na talaga ako!"

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nag-aalala!

"Bakit?"

"K-kasi no'ng tumatawag siya, sinigawan ko siya. Eh, h-hindi ko naman kasi alam na Papa mo pala 'yun!"

Ngumiti ako!

"Ano ka ba. Wala sa kaniya 'yun! Alam naman niya na hindi mo alam na siya 'yun kaya mo nagawa!"

Medyo nahimasmasan siya sa sinabi ko pero hindi parin maitatago ang pag-aalala niya.

"Siya nga pala!"

Biglang napalitan ang mukha niya into curiosity.

"Si Sh-Sherry?"

"Bakit?"

"May sikreto ba kayong dalawa?"

Tinignan niya ako suspiciously!

"Ha?? Ah, s-siya?"

Napahawak ako sa batok ko.

"W-wala 'yun ano ka ba!"

"Eh ba't parang kinakabahan ka?"

Hindi talaga ako marunong mag-deny kay I!

"Ah, eh..."

"Sige na sabihin mo na. Alam ko namang may nililihim ka!"

"K-kasi ang totoo niyan!"

"Hay naku!! Huwag ka ng mahiya. Naiintindihan ko naman kung gusto mo na talaga siya."

O_O

Sinasabi niya?

"Gusto? Siya?"

Tumango lang siya!

"Ano ba'ng sinasabi mo? Hindi ko siya type 'no!

"Eh ba't ganyan ka mag-react. Para kang kinakabahan diyan at hindi makapagsalita ng diretso?"

Kung alam mo lang, sa 'yo ako kinakabahan kung ano ang pwede mong gawin 'pag nalaman mong pina-imbestigahan kita.

"Tara na! Uwi na tayo. Gumagabi na!"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now