Chapter 6 - I's Issue

1.8K 64 3
                                    

(Sherry's PoV)

"Goodbye class!"

"Goodbye sir!", sagot naming lahat kay Sir Flores.

At lumabas na si teacher.

Agad kong inayos ang mga gamit ko saka ako umalis.

Pagkatapos ng experience ko sa hellhound statue, pinangako ko sa aking sarili na hinding hinding hindi na ako dadaan sa may statue. Baka kasi mamaya, hindi na lang mata ang magglow. Baka buong statue na ang gumalaw. Napaka-dangerous talaga ng statue na yan. Ba't pa kasi tinanggap.

Umikot ako at dumaan sa bandang likod.

Lalala....

"I know I created this mess but I wouldn't regret it!"

Bigla akong napatigil nang may marinig akong boses ng lalaking pinipilit hinaan ang boses at halatang iritang irita sa kausap.

At nakita ko si Marcus..may kausap sa phone..

Hmmm..sino kaya'ng kausap niya?

May nakita akong malaking puno ng mangga sa tabi ko at agad akong nagtago.

"Yeah...yeah I get your point! You are concerned but please if you really care, you have to stay out of the line. And this is my word, listen carefully. I'M NOT DOING WHAT YOU WANT. I'M NOT GOING BACK."

pagkatapos ay ibinaba niya ang kaniyang phone.

Sa nakikita ko ngayon, may problema si Marcus. Pero ano naman kaya yun? He looks so confused.

Bigla kong naalala nung nagpintura kami sa may comfort room. He was very authoritative to the persons he contacted. Ngayon ganyan siya. And I don't know anything about him. Napaka-mysterious ng life niya.

Muli akong napasulyap sa kaniya.

Umiiyak siya???

Tanong ng isip ko nang makita kong pinupunasan niya ang kaniyang mata. At muling tumulo ang kaniyang luha.

Napakunot ang aking noo..

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko...

Para sakin kasi talaga nakakainis 'tong lalaking 'to eh. Pero tila nawala ang lahat ng inis ko sa kaniya nang makita ko siyang umiiyak.

P-pero...b'bakit nga ba siya umiiyak?

Gusto ko siyang lapitan at kahit damayan man lang kasi kahit nakakainis siya, alam ko sa sarili kong mabait naman talaga siya. Ayoko lang aminin sa sarili ko.

Maya-maya pa ay naglakad na siya paalis.

Sino nga ba siya? Bakit parang meron siyang napakalaking problema?

(Spence's PoV)

Pagkatapos ng klase ko...dumaan ako sa may faculty para matignan ang hellhoud statue. Pinagmasdan ko itong mabuti at naghanap ng kakaiba.

Agad kong napansin ang pwesto ng statue.

Muli kong inisip ang position nito kahapon. Pareho pa rin sa tinutuntungan nito ngunit may nag-iba.

Inisip ko itong mabuti..

Yun nga!!...

Kung kahapon centered ang statue sa tinutuntungan nito, ngayon medyo magilid siya.

Inilabas ko ang aking phone at muling tinignan ang image nito upang makasiguro. I zoomed it in at pinag-compare.

Mas gilid nga talaga ito ngayon. Isang patunay na gumalaw ito kagabi.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now