MC #6 - Mystery of the Hellhound Statue

2.3K 75 0
                                    

Prologue:

(Author's PoV)

4 o'clock na. Uwian na ng mga estudyante ngunit ang mga SSC officers tulad ni Irish ay naiwan pa sa kanilang office dahil may biglaang reports na pinapatapos sa kanila.

Ang mga officers na naroon ay ang Vice chairman na si Vicky, at ang apat na councilors na sina Dale, France, Cassie, at Zenny.

Sina Dale at Zenny ang in-charge sa pag-eencode ng reports, sina France, Vicky, at Cassie naman ang nag-aayos sa mga Narrative reports ng mga past events. Si Irish, ang chairman naman ang nagpo-polish sa mga reports na naka-softcopy.

Habang busy silang lahat, si Irish, hindi maka-concentrate sa kaniyang trabaho. Hawak siya ng hawak sa kaniyang ulo na tila minamasahe niya ang magakabilang bahagi nito dahil masakit na ang kaniyang ulo. Mag-aapat na oras na siyang nakakababad sa computer nang tuloy-tuloy.

Mabuti at napansin ito ni Vicky.

"Irish, ok ka lang?"

"Uhmmm...ang sakit na nga ng ulo ko eh!"

"Paano naman kasi, kanina ka pa nakababad diyan."

"Kailangan kasi nating tapusin to eh!"

"Marami pa ba yan?", tanong ni Dale

"Hmmm...medyo! Kayo ba? Ok lang kayo? Kanina pa din kayo nakababad sa net!", tanong ni Irish

"Ok lang sanay naman na kami. Diba Dale?", sagot ni Zenny

Ngumiti si Dale at tumango.

.

.

.

.

Matapos ang isang oras, buti at kinaya pa rin ni Irish ang magbabad sa computer at sa wakas, natapos rin niya.

Minasa-masahe niya ang kaniyang ulo, umaasang mawala ang kaniyang headache.

"Ms. Chairman, kung hindi mo na kaya, pwede ka naman nang magpahinga sa bahay niyo. Kanina ka pa may ginagawa!", suhestiyon ni Cassie

"Eh pano kayo? Alangan namang iwan ko kayo dito? Andami pa nating aayusin!"

"Eh...kaya naman na namin...diba guys?", tanong ni Zenny..

Sang-ayon naman silang lahat.

Kinumbinsi nila nang kinumbinsi si Irish na magpahinga na dahil nakita naman nila kung gano na karaming nagawa si Irish.

"Kaya na namin 'to!", sambit nila.

At pumayag na rin si Irish dahil masama na rin talaga ang pakiramdam niya.

"Sige guys...salamat!"

Napatingin siya sa kaniyang relo...5:30 na.

At lumabas na siya para makauwi.

Natira silang lima sa office na abalang-abala sa kanilang mga gawain.

----------

7 o'clock na nang matapos sila. Nag-ayos na sila ng mga gamit at pinatay ang ilaw sa office.

"Guys, daan tayo sa locker area ah! May iiwan lang ako dun!", sambit ni Vicky.

Pumayag naman silang lahat.

Ang locker  ay sa tabi ng Faculty at Principal's office. Magkatabi ang offices na yun...

"Iniwan ni Vicky ang kaniyang book habang nag-CR naman sina Dale at France tutal malapit lang yung CR.

Habang nag-uusap ang tatlong girls, parang may narinig si Cassie na atungal pero mahina lang.

Nagsasalita siya noon nang mapatigil siya...

"Siyempre dapat mas ok kapag-----t-teka narinig niyo yun?", tanong niya nang bigla niyang marinig ang atungal

"Y-yung alin?", tanong nina Vicky at Zenny..

Napaisip si Cassie.

"W-wala...baka nagkamali lang ako ng pandinig."

Pinagpatuloy nila ang kanilang topic tungkol sa isang Golden Hellhound statue na nilagay sa pagitan ng Faculty at Principal's office.

Si Vicky naman ang nagsasalita nang marinig ulit yun ni Cassie pero this time, mas malakas.

"Narinig niyo na?", muli niyang tanong at kinakabahan na siya...

"Yung alin ba?"

"Parang...may narinig akong ungol ng hellhound?", hindi sure na sagot ni Cassie.

"Ano ka ba? Nag-hahallucinate ka lang siguro kasi yun ang topic natin ngayon!", sagot naman ni Zenny.

Hindi na lang pinilit ni Cassie na may naririnig siya..

"Alam niyo..guys I think let's drop the subject about hellhounds na lang. Kasi I read in mythology, powerful ang mga names nila. Hindi sila pwedeng banggitin 'cause baka mag-appear sila!"

"At nagpapaniwala ka sa mythology?", natatawang sagot ni Zenny.

"Oo nga. Kaya nga myth kasi hindi totoo diba?"

At parehong tumawa sina Zenny at Vicky...

*grrrrrrooooowwwlll

Ngunit bigla silang napatigil nang marinig nila ang napakahaba, napakalakas at galit na galit na huni ng isang hayop.

Nagtinginan silang tatlo..

"N-naniniwala na kayo?", takot na takot na tanong ni Cassie...

Samantala, bigla nilang narinig sina Dale at France na sumisigaw. Maya-maya pa ay nakita nila silang lumapit sa kanila..

"Taaaaaakbooooo!", sigaw nina Dale at France sa mga girls nang madaanan nila ang mga ito. At tumakbo naman sila. Nang makarating sila sa gate, nakita nila ang hellhound statue na na-gglow ng pulang kulay ang kaniyang mata, gumagalaw ang kaniyang ulo ng pataas tuwing uungol, at rinig din nila ang malalakas na yabag ng hayop ng yun kaya lumabas sila agad sa compound ng school na takot na takot!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now